Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

DITO posibleng mawalan ng prangkisa

SHARE THE TRUTH

 487 total views

Posibleng mahirapan ang DITO Telecommunity Corp. na matugunan ang nalalabi rollout sa pamahalaan sa 2024 dahil sa mahinang demand mula sa institutional investors.

Ito ay dahil na rin sa kawalan ng kumpiyansa ng mga investor, ang P8 billion stock rights offering (SRO) ng DITO CME Holdings Corp, ang majority stockholder ng DITO Telecommunity, ay kinansela, dahilan para humingi ng tulong ang DITO CME sa foreign lenders.

Kasabay rin nito ang maraming reklamo na natatanggap ng DITO mula sa subscribers dahil sa mahina o kawalan ng signal o mabagal na internet connection, at hindi pagiging compatible ng SIM cards sa ibang phones,.

Ang pagkansela sa P8-billion SRO ay nagdulot ng pagdududa sa naging pahayag ng DITO Telecommunity na kaya nitong ibigay sa publiko ang uri ng serbisyong hindi naipagkaloob ng Globe Telecom at PLDT Inc.

Ang pagtiyak ng DITO CME na nakakuha ito ng long-term debt arrangements sa foreign lenders ay nagdulot ng pagdududa na may kaugnayan ito sa China.

Ang state-owned China Telecom Corp. ay technical partner at pangalawang pinakamalaking stockholder ng DITO Telecommunity.

Ayon sa industry sources, may ‘pressure’ ngayon sa DITO CME na makakuha ng karagdagang pondo para sa DITO Telecommunity sa lalong madaling panahon.

“Failure to meet its rollout commitment on time means it would lose its franchise and, worse, forfeit its multibillion peso performance bond,” dagdag ng source.

Sa kasalukuyan, ang DITO ay mayroon nang limang milyong subscribers at target na makalikom ng 12 million ngayong taon sa pagtatayo ng mga karagdagang cell sites sa mga bagong lokasyon.

Hanggang December 2021, ang DITO ay nagbibigay ng serbisyo sa mahigit 500 lugar sa buong bansa at nakapaglatag din ito ng mahigit sa 22,000 kilometers ng fiber cable at nagtayo ng mahigit 4,100 towers.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,761 total views

 34,761 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,891 total views

 45,891 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,252 total views

 71,252 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,633 total views

 81,633 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,484 total views

 102,484 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,222 total views

 6,222 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 1,292 total views

 1,292 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 21,603 total views

 21,603 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top