Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kagalingan ng mamamayan, ipinanalangin ng pinuno ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 331 total views

Pinapanalangin ni Fr. Anton CT Pascual na makamtan nawa ng mga kapanalig na may karamdaman ang lubos na kagalingan mula sa Panginoon at sa tulong ng Birheng Maria.

Ito ang mensahe ng pangulo ng Radio Veritas at executive director ng Caritas Manila para sa 30th World Day of the Sick sa February 11, kasabay ng dakilang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes.

“Healing is one of the most powerful manifestation of the Kingdom of God. Kaya’t nawa’y mapasakanila ang kagalingan sa lahat ng maysakit sa kapangyarihan ni Hesukristo at sa tulong ng panalangin ng Mahal na Ina ng Lourdes,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon sa pari, laging hinahangad ng Panginoon ang kaligtasan at kapayapaan ng isip ng bawat tao kaya hindi nais ng Panginoon na magdusa ang tao sa anumang karamdaman.

Giit ni Fr. Pascual na marahil sa kapabayaan at kasalanan ng tao kaya’t nagkakaroon ng mga karamdamang unti-unting nagpapahina sa katawan.

“Naniniwala po tayong ang sakit ay hindi galing sa Panginoon. Hindi kalooban ng Diyos na tayo’y magkasakit. Ito’y epekto ng kasalanan natin. Kapabayaan, at hindi pag-aalaga ng ating sarili, kalikasan, at ng pamayanan,” ayon sa pari.

Gayunman, paalala ng pari na patuloy lamang na manalig sa Panginoon upang maligtas sa anumang karamdaman, gayundin ang pagpapakita ng paggalang sa sariling pangangatawan at inang kalikasan.

Tema ng 2022 World Day of the Sick ang “Be merciful, even as your Father is merciful”, mula sa ebanghelyo ni San Lukas kabanata anim talata 36.

Sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco, hiling nito na makamtan na nawa ng mga mayroong karamdaman lalo na ang mga nasa mahihirap na komunidad, ang kinakailangang pangangalagang pangkalusugan na makakatulong sa mabilis na paggaling.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 18,211 total views

 18,211 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 34,299 total views

 34,299 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 72,016 total views

 72,016 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,967 total views

 82,967 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,481 total views

 26,481 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,482 total views

 26,482 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top