Mamamayan, binalaan ng Diocese of Novaliches laban sa scammer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 584 total reads

Muling nagbabala ang Diyosesis ng Novaliches kaugnay sa scammer na nagpapakilalang seminarista upang makakuha ng mga donasyon.

Sa inilabas na pahayag ng diyosesis umiikot sa komunidad ng Commonwealth sa Quezon City partikular sa Kristong Hari Parish at Parokya ng Mabuting Pastol ang nagpakilalang John Michael Castillo upang humingi ng tulong pinansyal para sa ordinasyon.

Mariing itinanggi ng diyosesis ang pagkilanlan ni Castillo at hinikayat ang mamamayan na maging mapagmatyag at ipagbigay-alam sa kinauukulan ang kinaroroonan upang mapigilan ang panloloko.

“Siya [John Michael Castillo] ay HINDI seminarista ng ating Diyosesis [Novaliches]; kung sakaling magpunta siya sa inyong komunidad, mainam na ipagbigay alam po kaagad natin sa barangay o pulisya,” bahagi ng panawagan ng diyosesis.

Maraming beses nang nagbigay babala ang simbahan hinggil sa suspek na gumagamit ng iba’t ibang pangalan para makapanloko sa kapwa gamit ang simbahang katolika.

Batay sa mga ulat na natanggap ng diyosesis humihingi si Castillo ng donasyon para sa ordinasyon sa Marso.

Bukod sa Novaliches umiikot din ang suspek sa iba pang diyosesis lalo na sa Metro Manila sa kaparehong dahilan.

Mariing pinaalalahanan ng simbahang katolika ang mananampalataya na mag-ingat sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ng simbahan, cardinal, obispo o mga pari sa pangangalap ng donasyon upang makaiwas sa scam.

Kung makatatanggap ng mga solicitation letters lalo sa online mangyaring makipag-ugnayan at beripikahin sa tanggapan ng parokya o sa diyosesis kung lehetimo ang sulat na natanggap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 3,636 total reads

 3,636 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 90,790 total reads

 90,790 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 128,163 total reads

 128,163 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 159,424 total reads

 159,424 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 232,051 total reads

 232,051 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top