Pope Francis kaisa ng mga may karamdaman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 873 total reads

Tiniyak ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pakikiisa sa mga may karamdaman.

Ito ang mensahe ng Santo Papa sa pagdiriwang ng 30th World Day of the Sick at kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes.

Batid ni Pope Francis na bukod sa kalingang medikal mahalaga rin ang espiritwal na paggabay ng mga mahal sa buhay.

“I would like to remember our dear people who are sick, so that all may be assured of health care and spiritual accompaniment,” mensahe ni Pope Francis.

Tinukoy ng Santo Papa ang halos kalahating bilyon na mga mamamayang nahawaan ng COVID-19 sa buong mundo kung saan patuloy pa rin ang paglaban at paghahanap ng lunas sa pamamagitan ng malawakang pagbabakuna.

Bukod dito dalangin din ni Pope Francis ang kalakasan ng mga nangangalaga sa mga may karamdaman upang makapagbigay ng wastong kalinga at aruga higit sa lahat ang pag-asang gumaling.

“Let us pray for these brothers and sisters of ours, for their families, for health and pastoral workers, and for all those who care for them,” saad ng Santo Papa.

Taong 1992 nang pasimulan ni Saint John Paul II ang World Day of the Sick upang himukin ang mananampalataya, Catholic health institutions at ang lipunan na maging aktibong tagapangalaga sa mga may karamdaman.
Kasabay nito ang panawagang ipanalangin ang lahat ng nakararanas ng iba’t ibang uri ng sakit na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa mga tahanan at mga pagamutan.

Ilalaan naman ng Radio Veritas 846 ang February 11 para sa ‘Day of Healing and Deliverance’ sa mga misang pangungunahan ng healing priests sa alas dose ng hatinggabi, alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali at alas sais ng hapon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 116,484 total reads

 116,484 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 254,131 total reads

 254,131 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 369,907 total reads

 369,907 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 485,682 total reads

 485,682 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top