Bigyang kalinga at pag-asa ang mga maysakit-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 737 total reads

Umaasa ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na mas mabigyang pansin at malawak na pang-unawa ang mga may karamdaman sa lipunan.

Sa pagninilay ng cardinal sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes at pagdiriwang ng 30th World Day of the Sick, sinabi nitong ang karanasan ng pandemya tulad ng quarantine at isolation ay magdulot nawa ng mas malawak ng pag-unawa sa mga may karamdaman na higit nangangailangan ng pagkalinga.

“Our own experience of the pandemic, quarantine and isolation should make this easy to understand. We are thus prompted to be more sensitive and patient to and understanding of the sick among us and to extend to them a more comprehensive consideration and accompaniment,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Hinimok ng arsobispo ang mamamayan na tularan si Hesus na nilingap ang mga may sakit at ipadama ang tunay na diwa ng pag-ibig ng Ama para sa kalakasan at pag-asang gumaling sa karamdaman.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula ang malaking tungkulin ng lipunan sa pag-aruga sa mga maysakit lalo na ang pinanghihinaan at nawawalan ng pag-asa.

“Second is the vital role of a caring and compassionate community in the healing process,” ani ng cardinal.

Kaisa si Cardinal Advincula sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na bilang simbahan ay sama-samang tugunan ang pangangailangan ng mga may karamdaman at kapansanan sa pamayanan.
Ayon sa cardinal nanatiling aktibo at bukas ang simbahan sa mga kawanggawa lalo na sa mga maysakit at higit nangangailangan sa lipunan.

“To a global pandemic, a worldwide revolution of being of being who we truly are – images of the God of life and love can be the only appropriate response. It is consoling to realize that in our work for healing we too are healed,” dagdag ng cardinal.

Bukod sa mga may sakit kinilala at ipinanalangin din ng cardinal ang medical sector na nanguna sa paglutas sa COVID-19 sa kabila ng malaking hamon at banta sa sariling kalusugan.
Matatandaang sa mensahe ni Pope Francis nakiisa ito sa halos kalahating bilyong indibidwal na dinapuan ng COVID-19 sa buong mundo kung saan sa nasabing bilang tatlong milyon mula sa Pilipinas.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang ‘Be merciful even as your father is merciful’ na hango sa ebanghelyo ni San Lukas.
Pinasimulan ni Saint John Paul II ang World Day of the Sick noong 1992 upang himukin ang lipunan, mamamayan at catholic health institutions na kalingain ang mga may karamdaman.

Ginanap ang pagdiriwang ng Archdiocese of Manila sa pangunguna ng Ministry on Health sa National Shrine of St. Michael the Archangels sa Malacanan complex kasama ang mga deboto ng Mahal na Birhen ng Lourdes at ang Order of Malta Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 2,821 total reads

 2,821 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 41,085 total reads

 41,085 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 267,356 total reads

 267,356 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 160,821 total reads

 160,821 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 254,688 total reads

 254,688 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top