Ipamalas ang galing ng Filipino, tagubilin ni Cardinal Advincula kay Archbishop Catalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,035 total views

Pormal nang inordinahan si Archbishop Arnaldo Catalan bilang ikalimang Filipinong Nuncio na itinalaga ni Pope Francis sa Rwanda.

Pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelizations of Peoples ang episcopal ordination habang co-consecrator naman si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula at Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

Sa homiliya ni Cardinal Tagle, inihayag nitong magandang pagkakataon ang ordinasyon ni Archbishop Catalan dahil kasabay ito ng pagdiriwang sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes.

Paalala ng Cardinal sa bagong Arsobispo na kaakibat nito ang malaking hamon na maaring kaharapin subalit hindi dapat ito pangambahan sapagkat mas nananaig ang habag at awa ng Panginoon.

“The mercy of God is always stronger than all the afflictions. And having been encouraged by God’s mercy, encourage others who are probably in more miserable conditions,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Batid ng Cardinal ang sitwasyon sa Rwanda sapagkat ito ang nangangasiwa sa mga mission territories ng Simbahang Katolika.

Samantala muli namang ihinayag ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang kagalagakan para kay Archbishop Catalan na bahagi ng Manila clergy bago manilbihan sa Diplomatic service na itinuturing na biyaya ng arkidiyosesis na ipinagkaloob sa Rwanda lalo’t ipinagdiwang ng bansa ang 500 Years of Christianity.

Bilin ni Cardinal Advincula sa bagong Nuncio ng Rwanda na ipamalas ang kalingang Filipino sa mga mananampalataya sa lugar.

“Wherever you are sent, bring with you the Filipino faith, the Filipino warmth, the Filipino hospitality, the Filipino personalism, the Filipino joy, and the Filipino smile,” ani Cardinal Advincula.

Sa mensahe naman ni Archbishop Catalan bagamat ikinagulat ang paghirang ni Pope Francis nagpasalamat ito sa tiwala at suportang natanggap lalo na sa mga pari ng Arkidiyosesis.

Dalangin din ng Nuncio sa Panginoon ang kalakasan sa bagong misyon na kakaharapin.

“Like all surprises, this nomination is a gift that is totally gratuitous and unmerited, but it is also quite a demanding task. Truly, God did not meet my expectations; he exceeded them. So much that I am at the loss of words to thank Him,” saad ni Archbishop Catalan.

Napiling episcopal motto ng Arsobispo ang “Iuxta Misericordiam Non Deficimus, o “through mercy, we are not discouraged,” na hango sa 2 Corinto 4:1.

Inordinahang pari si Archbishop Catalan noong 1994 at nanilbihan sa Archdiocese of Manila bago pumasok sa diplomatic service noong 2001.

Ilan sa mga bansang pinagsilbihan ng Arsobispo ang Apostolic Nunciatures ng China, Zambia, India, Kuwait, Turkey, Argentina, Canada at Pilipinas.

Bukod kay Cardinal Tagle at Cardinal Advincula dumalo rin sa orindasyon sina Manila Archbishop Emeritus Cardinal Gaudencio Rosales, Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo, mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Luzon sa pangunguna ni CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at mga pari.

Bukod kay Archbishop Catalan, apat na Filipino pa ang naging kinatawan ng Santo Papa sa iba’t ibang bansa sina si Archbishop Adolfo Tito Yllana bilang Apostolic Nuncio ng Israel at Cyprus at Apostolic Delegate to Jerusalem and Palestine; si Archbishop Francisco Padilla ang kinatawan ni Pope Francis sa Guatemala; Archbishop Bernardito Auza sa Spain at Andorra; habang Apostolic Nuncio Emeritus to Korea naman si Archbishop Osvaldo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 57,124 total views

 57,124 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 57,124 total views

 57,124 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 57,124 total views

 57,124 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 55,376 total views

 55,376 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 50,576 total views

 50,576 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top