Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

10K financial aid, iminungkahi sa pamilyang apektado ng pandemya

SHARE THE TRUTH

 530 total views

Iminungkahi ng Ibon Foundation ang pamamahagi ng 10-libong pisong financial aid sa bawat pamilyang apektado ng pandemya at paqtaas ng inflation rate.

Ito ay bilang hakbang upang maibsan ang pag-taas ng mga presyo ng mga bilihin at paghina ng demand ng mga mamimili dahil sa pagkawala ng kabuhayan at trabaho ng maraming mamamayan.

Ayon kay Ibon Foundation Executive Director Sonny Africa, matutulungan ng financial aid ang sektor ng mga Micro Small and Medium Enterprises (MSME).

“Una ay magbigay uli ng ayuda — Php10K kada pamilya sa 3 buwan. Malaking tulong ito sa kanila maging udyok sa mga MSME at ekonomiya,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Africa.

Nanawagan din ang Ibon Foundation ng pagtatanggal ng excise tax na ipinapataw sa mga produktong petrolyo.

Ito ay upang matulungang bumaba ang presyo ng mga bilihin na kinakailangan gumagamit ng mga produktong petrolyo sa production process.

“Ikalawa ay tanggalin ang pinataw na excise tax sa mga produktong petrolyo. Mapapababa nito di lang ang gastos ng mga pamilya sa LPG, diesel, kerosene atbp kundi mababawasan din ang inflation sa pagbaba ng costs of production,” pagbabahagi ni Africa.
Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika, mahalaga na isaalang-alang ang kabutihang pangkalahatan sa anumang reporma na gagawin ng pamahalaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 16,694 total views

 16,694 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 30,654 total views

 30,654 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,806 total views

 47,806 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,990 total views

 97,990 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,910 total views

 113,910 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 30,642 total views

 30,642 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top