Archdiocese of Cagayan de Oro, nagbabala laban sa “donation scammers”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,195 total reads

Nagbabala ang Archdiocese of Cagayan de Oro sa mga mananampalataya hinggil sa grupo na nagpapakilalang kongregasyon upang makapangalap ng mga donasyon.

Sa inilabas na liham ni Archbishop Jose Cabantan, pinag-iingat nito ang lahat sa nagpapakilalang Order of Apostolican Missionaries (OAM) na sinasabing mayroong Mission House sa Malaybalay City at Formation House naman sa Cagayan de Oro.

Ayon sa Arsobispo, nag-iikot-ikot ang grupo sa buong Arkidiyosesis upang humingi ng tulong-pinansyal para sa evangelization works at outreach programs ng kanilang tinatawag na religious community.

“Upon verification with our Catholic Directory of the Philippines and the Chancery Office of Malaybalay, such a group does not exist,” pahayag ni Archbishop Cabantan.

Mariing sinabi ni Archbishop Cabantan na walang anumang pagkakaugnay ang nasabing kongregasyon sa arkidiyosesis at maging sa iba pang diyosesis sa buong bansa.

“It may have carried the name “catholic” but it is not in any way connected with us,” giit ng Arsobispo.

Muli namang pinapaalalahanan ng Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na mag-ingat sa mga mapagsamantalang indibidwal o grupo na ginagamit ang pangalan ng simbahan, cardinal, obispo o mga pari sa pangangalap ng donasyon upang makaiwas sa scam.

Sakaling makatanggap ng mga solicitation letters lalo na sa online, mangyaring agad na makipag-ugnayan at tiyakin sa tanggapan ng parokya o sa diyosesis ang pagiging lehitimo ng natanggap na sulat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,244 total reads

 55,244 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,623 total reads

 134,623 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,068 total reads

 168,068 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,366 total reads

 203,366 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,673 total reads

 427,673 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,138 total reads

 157,138 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top