Mamamayan, hinimok ng LASAC na tangkilikin ang Malasackit Bazaar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 946 total reads

Inaanyayahan ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) ang bawat mamamayan at turistang bumibisita sa Batangas na makiisa sa proyektong Malasackit Bazaar.

Ayon kay Bhong Castillo, Social Enterprise Development Specialist ng Malasackit Bazaar, simula February 19 hanggang 21 ay gaganapin ang proyekto sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion Parish sa Batangas City, sa February 26 hanggang 28 naman sa Lobo Batangas at sa Marso ay sa Santa Teresita Parish sa San Jose Batangas.

Ang proyekto ay inilunsad noong 2015 kung saan ang mga damit at iba pang kagamitan na mapapakinabangan pa ay ibinebenta ng Malasackit Bazaar sa mas murang halaga.

20% ng kinikita ng proyekto ay napupunta sa parokya at mga simbahang pinagdarausan nito habang ang 80% naman ay inilalaan ng LASAC upang ipang-tulong sa mahihirap at relief efforts tuwing makakaranas ng sakuna ang lalawigan ng Batangas.

“Bale ang ginagawa po namin, yun pong participating parish po namin is binibigyan po namin ng 20% po net proceeds po nitong Malasackit Bazaar operations then yung remaining po nito is magiging pondo po siya ng LASAC para po sa mga program mostly po sa mga disaster response po,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Castillo.

Pagbabahagi ni Castillo, bukod sa mga nangangailangang natutulungan ng proyekto ay natutulungan din nito ang mga simpleng mamamayan dahil sa mas pinamurang halaga ng mga bilihin.

“Ang malaking impact din po nito is marami rin po tayong mga kababayan na hindi maka-afford ng mga kagamitan dahil sa mga labas po ay mahal dito po kasi is mura lang po nilang nabibili ang mga produkto po natin,” ayon pa kay Castillo.

Paanyaya pa ng opisyal ng LASAC sa bawat mamamayan ang pamamahagi ng kanilang mga kagamitang hindi na nagagamit ngunit mapapakinabangan pa, ito ay upang mapalawig ang Malasackit Bazaar na paraan sa pagtulong sa mga pinakanangangailangan sa lipunan.

“Ito po ay may dalawang paraan para po suportahan, ang una nga po ay ‘yung pagbili o pagtangkilik po sa mga items natin at ang pangalawa po ay ang pagbabahagi at pagdodonate po kung may mga kagamitan po kayo na hindi na ginagamit at maaari pang mapakinabangan ng iba, ito po ay pwede ninyong ibahagi sa amin at ito po ay ating iko-convert into cash at sa ganon po ay maipangtulong po natin sa mga kapatid po nating higit na nangangailangan,” ani Castillo.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,981 total reads

 4,981 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 29,300 total reads

 29,300 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 69,859 total reads

 69,859 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 96,389 total reads

 96,389 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 144,655 total reads

 144,655 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 165,413 total reads

 165,413 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 24,057 total reads

 24,057 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top