Panghihimasok ng COMELEC sa pribadong lugar, labag sa konstitusyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 841 total reads

Binigyang diin ni dating Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon na labag sa konstitusyon ang panghihimasok ng COMELEC sa mga pribadong lugar.

Ito ang pahayag ni Guanzon kasunod ng ‘Oplan Baklas’ ng mga campaign materials sa mga private property na lampas sa itinakdang 2 by 3 feet.

“Pag private property huwag nang makialam ang COMELEC kasi hindi naman yan sakop, ano ba ang karapatan ng COMELEC na mag-trespass; Saligang Batas dapat ang ating sinasandalan,” pahayag ni Guanzon sa Radio Veritas.

Aniya, hindi sapat na dahilan ang halalan upang pangunahan ng COMELEC ang sinasaad sa Saligang Batas kundi dapat sundin ang mga alituntuning itinakda.

Iginiit ng dating opisyal na ayon sa ruling ng Korte Suprema noong 2013 kaugnay sa “Team Buhay/Team Patay” tarpaulins ng Diocese of Bacolod kinatigan ito sapagkat ito ay karapatan ng bawat mamamayan o freedom of expression.

Ayon kay Guanzon hindi maaring limitahan sa COMELEC standard ang sukat ng mga tarpaulin sa private property lalo na kung malaki ang lugar na paglalagyan dahil maaring hindi lubusang maihatid sa publiko ang mensahe.

Ibinahagi ni Guanzon ang concurring opinion noon ni dating Justice Antonio Carpio na ang pagbabawal at panghihimasok ng COMELEC sa private properties ay pagsikil sa karapatan ng malayang pamamahayag na labag sa konstitusyon.

Matatandaang noong nakalipas na linggo inalmahan ng publiko ang pagtanggal ng mga pulis at election officer ng Isabela sa campaign materials ng isang kandidato sa loob ng pribadong lugar.

Planong sampahan ng kaso ang mga sangkot na kawani ng Philippine National Police sa pagbabaklas ng campaign materials.

“For practical reason wala na nga tayong mga staff, mahahabla pa ang mga pulis, hayaan nalang hangga’t hindi nagkaroon ng COMELEC En Banc review at resolution,” dagdag ni Guanzon.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,957 total reads

 5,957 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 30,825 total reads

 30,825 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 71,384 total reads

 71,384 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,837 total reads

 97,837 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 146,103 total reads

 146,103 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 166,794 total reads

 166,794 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top