Sambayanang Filipino, patuloy na pinapahirapan ng nagdaan at kasalukuyang administrasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 978 total reads

Pinapahirapan pa rin ng mga nakalipas at kasalukuyang administrasyon ang mga Pilipino dahil sa mga utang at ninakaw sa kaban ng bayan na patuloy na binabayaran ng bawat mamamayan.

Ito ang isa sa mga pagninilay ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa ikapitong linggo ng karaniwang araw.

“Ang resulta ng mga kasamaan noon ay patuloy pa rin ngayon at marami pa ang nagdurusa dahil dito. Marami pa ang mga ninakaw noon na ngayon ay hindi pa naibabalik sa taumbayan at binabayaran pa ng buwis ng mga tao.” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Binigyan-diin ng Obispo na hindi katuruan at layunin ng Diyos ang mga adbokasiyang isinusulong ng mga kumakandidato sa national position ngayong halalan.

Ito ay dahil sa kanilang pagsusulong ng paglimot sa mga kasalanang nagawa ng mga nagdaan at kasalukuyang administrasyon tulad ng martial law at madugong war on drugs.

“Kaya sa mga nagsasabi na magkaisa na lang tayo at huwag nang pansinin ang nakaraan, sinasabi natin na ang Diyos natin ay mahabagin at makatarungan. Mapapatawad natin ang nakaraan kung inaamin nila na mali ang kanilang ginawa noong martial law, na mali ang pagpapapatay sa tao sa ngalan ng war on drugs,” ani Bishop Pabillo.

Ayon pa sa Obispo, nananatiling mali ang pagbabansag sa ilang mga grupo at samahan bilang “rebelde” at sapilitang pagkukulong sa kanila ng hindi dumadaaan sa tamang proseso at kakulangan ng ebidensya.

“Mali ang pagbibintang sa mga tao na sila ay rebelde at pagpapakulong sa kanila sa gawa-gawang mga kaso. At hanggang ngayon marami pa ang nakakulong dahil lang sa pagbibintang na wala namang katotohanan,” ayon pa sa Obispo.

Pagpapabatid ni Bishop Pabillo na iginagawad ng Diyos ang pagpapatawad para sa mga taong humihingi ng paumanhin at tunay na nagsisi sa kanilang mga kasalanan.

“Ang pagpapatawad ay may bisa kung inaamin ng pinatatawad ang kanyang kasalanan. Hindi mapapasakanya ang patawad kung hindi naman niya inaamin na may kasalanan siya,” ayon sa pagninilay ng Obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 416 total reads

 416 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 37,800 total reads

 37,800 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 69,071 total reads

 69,071 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 146,622 total reads

 146,622 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,833 total reads

 240,833 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top