MOA signing sa mega-billion peso Kaliwa Dam project, kinondena ng LRC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,071 total reads

Kinundena ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa mega-billion Kaliwa Dam project.

Ayon kay LRC direct legal services coordinator Attorney Ryan Roset, na siya ring tumutulong sa mga katutubong Dumagat-Remontado laban sa proyekto, ang paglagda sa MOA para sa Kaliwa Dam ay nilabag ang mga batas na sakop ng free, prior, and informed consent (FPIC) ng mga katutubo.

Paliwanag ni Roset, hindi pinahintulutang makadalo sa MOA signing ang mga kinatawan mula sa mga apektadong katutubo at sa halip, tanging ang mga nagpahayag lamang ng suporta sa proyekto ang nakadalo rito.

“According to our sources, representatives allowed into the venue were those who had signified agreement to the project, and those who registered opposition to the project were deliberately left out,” bahagi ng pahayag ni Roset.

Sinabi ng abogado na kataka-takang ipinagpatuloy pa rin ang paglagda sa kasunduan gayong ginanap ito nitong huling bahagi ng Enero kasabay ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 dulot ng Omicron variant.

Bukod pa rito, nagdulot rin ng pangamba sa mga katutubo ang presensya ng mga sundalo sa MOA signing.

“What’s more, members of the military were present during the signing. While no use of force was reported, the presence of the military nevertheless sowed fear in the hearts of the community,” saad ni Roset.

Samantala, nananawagan naman si Roset sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na ipawalang-bisa ang MOA at magplano ng mas organisadong konsultasyon sa mga apektadong komunidad kasabay ng wastong pagsunod sa mga panuntunang itinakda ng batas.

Paalala pa ng abogado na dapat ding isaalang-alang ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang kasalukuyang resolusyon ng House Committee on Indigenous Cultural Communities and Indigenous Peoples hinggil sa pagpapatigil ng mga gawain sa teritoryo ng Dumagat-Remontado at iba pang komunidad.

Enero 26, 2022 nang maglabas ng bukas na liham ang mga katutubong komunidad ng Sierra Madre hinggil sa hindi pagpapahintulot na lumahok sa paglagda sa kasunduan hinggil sa Kaliwa Dam project.

Kaugnay nito’y nanawagan din sa mga kinauukulan si Franciscan priest Father Pete Montallana, chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance, Inc. (SSMNA) na pakinggan ang hinaing ng mga apektadong katutubo hinggil sa proyekto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,451 total reads

 57,451 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 136,671 total reads

 136,671 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,116 total reads

 170,116 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,414 total reads

 205,414 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 429,613 total reads

 429,613 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,209 total reads

 157,209 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top