Mamamayan, hinikayat ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na makiisa sa Walk for Life 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 872 total views

Inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mamamayan na makiisa sa taunang ‘Walk for Life’.

Ayon kay Raymond Daniel Cruz, ang pangulo ng grupo, napapanahon na upang kumilos ang mamamayan para sa kapakinabangan ng lipunan.

“Panahon na upang i-angat ang buhay! Samahan ninyo po kami sa taunang pagdiriwang ng Walk For Life. Ang tema natin ay: “Sulong Laiko… Halalang Marangal tungo sa Pag-angat ng Buhay,” pahayag ni Cruz sa Radio Veritas.

Giit ng opisyal na patuloy isusulong ng grupo ang dignidad at kahalagahan ng buhay kaya’t malaking gampanin ng mga layko ang paghalal ng mga lider na magsusulong sa karapatan at magtataguyod sa buhay ng mahigit 100-milyong Filipino.

Ilan sa mga pinaninindigan ng grupo ang pagtutol sa karahasang dulot ng malawakang war on drugs, diborsyo, aborsyon, same sex marriage at ang death penalty na itinuturing na tahasang paglabag sa kautusan ng Panginoong pangalagaan ang kaloob na buhay.

Dahil sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19 sa lipunan muling isasagawa ang Walk for Life sa ikalawang pagkakataon sa pamamagitan ng virtual o online livestreaming.

Mapapanuod ito sa Facebook page ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, CBCP News at iba pang social media pages ng Simbahan.

Gaganapin ito sa February 26, 2022 mula alas 9 hanggang alas 10:30 ng umaga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 54,398 total views

 54,398 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 84,621 total views

 84,621 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 111,272 total views

 111,272 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 206,245 total views

 206,245 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 223,802 total views

 223,802 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top