Pagpaslang sa “New Bataan 5”, kinondena ng YACAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 995 total reads

Mariing kinundena ng Youth Advocates for Climate Action Philippines (YACAP) ang sinapit ng limang Lumad advocates na pinaslang sa sinasabing rescue operations ng mga katutubo noong February 24 sa Talaingod, Davao del Norte.

Kabilang sa mga nasawi si Chad Booc, isang volunteer teacher na inilaan ang kanyang buhay sa pagtataguyod at pagtatanggol sa mga katutubong Lumad sa Mindanao.

Ayon sa pahayag ng YACAP, ang nangyari sa tinaguriang “New Bataan 5” ay nagpapaalala sa bawat mamamayan ng patuloy na pagsasawalang-bahala ng Administrasyong Duterte sa kapakanan ng mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Giit ng grupo na patunay lamang ito na hindi ligtas ang ating bansa para sa mga katulad ni Booc na buong tapang na ipinagtatanggol ang kapakanan at karapatan ng mga inosenteng katutubo laban sa mga mapagsamantala.

“We openly oppose all attacks and violations the Duterte administration has perpetrated on environment defenders, including baseless red-tagging that has resulted in the loss of life,” pahayag ng YACAP.

Samantala, kinondena rin ng University of the Philippines Green League (UPGL) ang sinapit ni Booc at ng apat pang environmental defenders sa kamay ng mga militar.

Hinimok naman ng UPGL ang mamamayang Filipino na patuloy lamang na maging matatag at huwag matakot na ipaglaban ang katotohanan upang lubusang makamtan ang tunay na kalayaan ng bansa.

“Sa pagpapatuloy ng karahasan ng militar at pulis ng administrasyong ito sa mga inosenteng mamamayan, huwag tayong matitinag at patuloy nating ipaglaban ang katotohanan dahil yoon lamang ang magpapalaya sa ating bayan,” ayon sa UPGL.

Si Booc ay matagal nang aktibo sa pangangampanya laban sa militarisasyon sa katutubong lupain ng mga Lumad at isa sa mga ‘signatories’ sa ika-24 na petisyon laban sa Anti-Terror Law ng kasalukuyang administrasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 249,220 total reads

 249,220 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 280,933 total reads

 280,933 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 382,759 total reads

 382,759 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 423,320 total reads

 423,320 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 433,379 total reads

 433,379 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,295 total reads

 144,295 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top