Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbibigay Halaga sa Kababaihan

SHARE THE TRUTH

 1,068 total views

Ngayong pandemya, mas nakita natin kung paano tinaguyod ng mga kababaihan ang ating lipunan. Mula sa ating tahanan hanggang sa mga frontlines, ang mga babae ang nanguna upang tayo ay maka-survive at maka-ahon mula sa mga salot na dala ng COVID-19.

Sa larangan nga ng healthcare, mas marami ang babaeng frontliners. Ayon sa isang pag-aaral,  halos 75% ng mga nurses ay babae at higit pa sa 80% ng pharmacists ay babae rin.  Mga 56.9% naman ng mga doctor ay babae, at 61.9% ng mga physiotherapist ay babae rin.

Nakita rin natin na sa buong mundo, mas naging matagumpay ang mga female leaders sa paglaban sa COVID-19. Ang mga ehemplo nito ay si Jacinda Ardern ng New Zealand at Tsai Ing-Wen ng Taiwan.

Sa ating sariling mga bahay, nakita rin ang kagitingan ng mga babae. Sa ating mga nanay pa lamang, sobra sobra ang oras na ginugol nila upang tayo ay maging mas komportable nitong nakalipas na dalawang taon.  Bago pa nga lamang magpandemic, sobra sobra na ang sakripisyo ng mga babae. Ayon sa isang pagsusuri, hindi pa man nagpa-pandemic, ang mga babae ay gumugugol ng triple pa sa dami ng oras para sa unpaid domestic and caring work – at di na nga ito bayad, hindi pa natin ito tunay na pinahahalagahan. Ayon nga sa ILO, ang 16 billion hours na ginugugol para sa unpaid caring kada araw  ay ika-sampu na ng economic output ng buong mundo kung atin itong binabayaran ng tamang halaga.

Ang nakakalungkot kapanalig, sa ating mundo, mas binigyang halaga pa natin ang mga opinyon ng mga social media influencers at mga media sites na nagpapalipana ng mga stereotypes na nagkakahon sa kakayahan at galing ng mga babae. Mas tinutulak natin ang pag-like o pag-heart sa mga outfits of the day kaysa sa mga impormasyon o mga aksyon na mas magtutulak ng kapakanan ng mas nakakaraming kababaihan, lalo na yaong nakukulong sa hirap o sa sobrang pagtatrabaho.

Sa social media, o maski sa traditional media, ang mga karaniwang imahe ng kababaihan ay hindi tunay na kumakatawan sa mas nakakaraming kababaihan sa ating lipunan. Nagbibigay ito ng mga unrealistic expectations na maaring sumira pa sa mental health ng maraming babae, o di kaya magbigay pa ng maling role models. Iniimpluwensyahin nito ang mga mas nakababata na humabol sa likes o heart sa mga social media apps, sa halip na maging mga unique o walang kaparis na indibidwal na malaki ang bahagi at ambag sa lipunan.

Ang mga kataga mula sa Forming Consciences for Faithful Citizenship ng U.S. Conference of Catholic Bishops ay akma sa usaping ito: Where the effects of past discrimination persist, society has the obligation to take positive steps to overcome the legacy of injustice, including vigorous action to remove barriers. Dinggin sana natin ito.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 9,726 total views

 9,726 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 25,815 total views

 25,815 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 63,578 total views

 63,578 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 74,529 total views

 74,529 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 19,274 total views

 19,274 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 9,727 total views

 9,727 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 25,816 total views

 25,816 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 63,579 total views

 63,579 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 74,530 total views

 74,530 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 91,395 total views

 91,395 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 92,122 total views

 92,122 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 112,911 total views

 112,911 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 98,372 total views

 98,372 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 117,396 total views

 117,396 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top