Plastic pollution,inaasahang matugunan sa UNEA 5.2

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 725 total views

Magsisimula na ngayong araw, February 28 hanggang sa March 2 ang United Nations Environment Assembly o UNEA 5.2 sa Nairobi, Kenya.

Layunin ng pagtitipon na talakayin ang mga mahahalagang usaping pangkalikasan na kinakaharap sa buong mundo.

Kaugnay nito, nananawagan ang EcoWaste Coalition sa mga kinatawang dadalo sa UNEA 5.2 na sumang-ayon sa pagkakaroon ng maayos na negosasyon sa matibay na kasunduan upang mapigilan at matugunan ang lumalalang plastic pollution sa kapaligiran.

“Para sa EcoWaste Coalition, ang isang malakas na tratado (treaty) ang dapat itapat sa pangdaigdigang krisis sa polusyong plastik. Kung hindi komprehensibo at matibay ang mapagkakasunduan ay hindi mabibigyang lunas ang problemang plastik,” pahayag ng grupo.

Giit ng EcoWaste, hindi lamang nakatuon sa usapin ng basura ang plastik dahil nakaugnay din ito sa usapin ng nakalalasong polusyon, patuloy na pagbabago ng klima ng mundo, at ang kaligtasan at katarungan para sa mga apektadong komunidad.

Batay sa tala, taun-taon ay aabot sa 400-milyong tonelada ng plastik ang nalilikha, ngunit hindi pa umaabot sa 10-porsyento nito ang nare-recycle.

Ayon naman sa Science Advances journal, 466 na ilog sa Pilipinas lamang ang naglalabas ng halos 400-libong metriko tonelada ng basurang plastik kada taon.

Pito naman sa 10 ilog na malaki ang ambag sa plastic pollution sa mga karagatan sa buong mundo ay matatagpuan sa Pilipinas.

Ito ay ang mga ilog ng Pasig, Tullahan, Meycauayan, Pampanga, Libmanan, Rio Grande de Mindanao, at ang Agno.

Samantala, umaasa naman ang EcoWaste na magkakaisa ang mga bansa sa UNEA 5.2 sa pagbalangkas ng matibay na kasunduan para sa epektibong pagtugon sa plastic pollution na nagdudulot nang matinding banta sa kalusugan, kalikasan at kinabukasan ng mga tao at sangnilikha.

Sa Laudato Si ni Pope Francis, hinihimok nito ang bawat mananampalataya na maging mabuting katiwala ng kalikasan at pagyabungin ang likas na yamang makatutulong sa makatwirang pag-unlad ng pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 102,864 total views

 102,864 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 146,472 total views

 146,472 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 228,417 total views

 228,417 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 236,972 total views

 236,972 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top