Mamamayan, pinag-iingat sa banta ng COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 541 total reads

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na patuloy na mag-ingat bagamat ibinaba na sa alert level 1 ang COVID-19 status sa Metro Manila at ilang lalawigan.

Ayon kay CBCP – Central Luzon Regional Representative Balanga Bishop Ruperto Santos, marapat lamang na ipagpasalamat sa Diyos na unti-unti nang humuhupa ang kaso ng COVID-19 sa bansa na patunay na malapit nang makamtan ang ganap na kaligtasan laban sa virus.

Ngunit, sinabi ni Bishop Santos na hindi pa rin dapat makampante ang publiko at sa halip ay patuloy pa ring sundin ang mga panuntunang ipinapatupad ng pamahalaan upang maiwasan ang hawaan.

“Subalit huwag po tayong magpabaya at huwag maging kampante. Ipagpatuloy pa rin natin ang ating pag-iingat, sumunod pa rin sa IATF protocols,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Hinimok din ng Obispo ang bawat isa na patuloy lamang na manalangin bilang gabay tungo sa tuluyang pagbuti ng bansa at ganap nang makamtan ang kaligtasan laban sa pandemya.

“Ipagpatuloy din natin ating pananalangin upang tuluyan nang mawala ang COVID, at tayong lahat ay talagang maging ligtas,” dagdag ng Obispo.

Maliban sa Metro Manila, kabilang ang lalawigan ng Bataan sa mga lugar na isinailalim sa alert level 1 mula sa alert level 2 status dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Sa umiiral na alert level status, maaari nang makapagsagawa ng mga pampublikong pagdiriwang na mayroong 100-porsyentong kapasidad tulad ng banal na Misa at iba pang religious gatherings.

Batay naman sa huling tala ng Department of Health, nasa mahigit 51-libo na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 250,542 total reads

 250,542 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 282,255 total reads

 282,255 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 384,081 total reads

 384,081 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 424,642 total reads

 424,642 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 434,593 total reads

 434,593 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,355 total reads

 144,355 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top