Candidates green scorecard, inilunsad ng GTC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 794 total reads

Inilunsad ng Green Thumb Coalition (GTC) ang Green Scorecard para sa nalalapit na Halalan 2022 na layuning alamin ang paninindigan ng mga kandidato sa pagtugon sa mga usaping may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan.

Ayon kay GTC Convenor at Alyansa Tigil Mina National Coordinator Jaybee Garganera, ang Green Scorecard ay malaki ang maitutulong sa mga kandidato upang mas mabigyang-linaw ang kanilang paninindigan hinggil sa mga usaping pangkalikasan.

Aniya, makatutulong din ito sa publiko upang mas makilala at mapili ang karapat-dapat na ibotong kandidato na tunay na magtataguyod para matugunan ang iba’t ibang krisis sa kapaligiran.

“It is very important for environmental groups to come together and influence elections because alam natin that kung sino ‘yung na-elect na lider, sila ‘yung humuhugis ng polisiya at sila ay nakakaimpluwensya kung saang direksyon dadalhin ‘yung ating kaunlaran. Kung sino ‘yung mahahalal na lider, sila rin ‘yung magtatakda [kung] gaano ba kalaki, kalalim, at kalawak ang pangangangalaga sa kalikasan,” pahayag ni Garganera.

Sakop ng Green Scorecard ang mga mahahalagang usapin tulad ng:

– Climate justice;
– Sustainable agriculture;
– Waste management;
– Mining extractives and mineral resource management;
– Biodiversity preservation and ecosystem integrity;
– Energy transformation and democracy;
– Natural resources and land use management and governance; at
– People-centered sustainable development

Mayroong nakalaang katanungan sa bawat paksa na dapat sagutin ng mga kandidato para sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo, at pagka-senador hanggang sa March 27.

Kasunod nito ay susuriing mabuti ng GTC ang mga tugon ng mga kandidato at saka isasapubliko sa April 8, halos isang buwan bago ang 2022 National Elections.

Samantala, ibinahagi naman ni Sanlakas Secretary-General Attorney Aaron Pedrosa na magmula nang mabuo ang GTC noong 2015, patuloy nitong itinataguyod ang layuning mapangalagaan hindi lamang ang inang kalikasan kundi maging ang kapakanan ng bawat mamamayan.

Kaya naman hinihikayat nito ang bawat isa na makibahagi sa layunin ng grupo ngayong darating na halalan.

“We urge everyone na samahan ang ating laban, sapagkat ang laban para sa kalikasan ay laban ng lahat – ang boto para sa kalikasan, ay boto para sa kinabukasan,” ayon kay Pedrosa.

Magugunitang naglunsad na rin ng Green Scorecard ang GTC noong 2016 at 2019 Elections upang magsilbing kamalayan sa mga botante hinggil sa mga plataporma ng mga kandidato para sa pangangalaga ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 10,396 total reads

 10,396 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

DOUBLE CRISIS

 251,396 total reads

 251,396 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 283,109 total reads

 283,109 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 384,936 total reads

 384,936 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 425,480 total reads

 425,480 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,384 total reads

 144,384 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top