‘Mass for Peace in Ukraine’, pangungunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 755 total reads

Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang ‘Mass for Peace’ na gaganapin sa Our Lady of Fatima Parish sa Mandaluyong City bukas, March 13, araw ng Linggo ganap na ika-lima ng hapon.

Ayon kay Fr. Carlos Reyes, Kura Paroko ng Our Lady of Fatima, layunin ng pagdiriwang ng Misa ang pananalangin ng sambayanan para sa pagkakasundo at pagtatapos ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Paanyaya at tema ng pagdiriwang ang ‘Pray the Rosary for World Peace and Conversion of Russia’ na layung hingin ang pamamagitan ng Mahal na Birhen para sa kaligtasan ng mamamayan mula sa kaguluhan sa Silangang Europa gayundin ang pagwawakas ng umiiral na pandemya sa buong mundo.

Matatandaang taong 1930 nang maganap ang aparisyon ng Mahal ng Birhen ng Fatima sa Portugal na panahon din ng pag-iral ng salot at Unang Digmaang Pandaigdig.

Hinikayat din ng Pari ang mananampalataya na kasamang ipanalangin ang instensyon ang kaluluwa ng mga nasawing biktima dahil sa digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine maging sa iba’t ibang panig ng mundo na patuloy ang kaguluhan.

Bukod sa mga nais dumalo sa parokya ng Our Lady of Fatima, maaari ring matunghayan ang Misa sa live streaming at Facebook page ng parokya.

Sa pinakahuling talaan ng United Nations (UN) Refugee Agency, umaabot na sa 1.9 milyong mamamayan ng Ukraine ang nawalan ng tirahan bunsod ng digmaan, habang may 2.3-milyong ang lumikas at nagtungo sa kalapit bansa.

Umaabot narin sa higit 500-katao ang nasasawi at mahigit 1,000 naman ang sugatan sa kaguluhan na dulot nang pananakop ng Russia sa Ukraine na nagsimula noong February 24.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 23,752 total reads

 23,752 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 55,024 total reads

 55,024 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 133,467 total reads

 133,467 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 227,693 total reads

 227,693 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 287,441 total reads

 287,441 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top