Matatag na pananampalataya ng mga Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic, ikinatuwa ng Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 764 total views

Ikinagagalak ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang pananatiling matatag ng pananampalataya ng mga Filipino at pananabik na makabalik sa mga parokya makalipas ang 2-taong pag-iral ng pandemic novel coronavirus.

Ito ang inihayag ni Archbishop Brown sa pagpapanumbalik ng mga mananampalataya sa mga parokya kasunod ng pagluwag sa umiiral na panuntunan ng community quarantine sa Pilipinas.

“I think one of the encouraging things in the Philippines is that, as covid is disappearing numbers of masses are returning with strength,” ayon kay Archbishop Brown sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas.

Ayon sa Nuncio, maraming lugar kabilang na sa Europa ang nangangamba na hindi bumalik ang mga tao sa simbahan at nasanay nang hindi pumasok ng parokya dulot ng dalawang taong pandemya.

“In places like Europe, some are worried that when COVID is finished they would have lost some of their people who will not come back. They’d lost the practice and habit of going to Mass during these two years and they won’t come back,” dagdag pa ni Archbishop Brown.

Sinabi ng Nuncio na isa sa pinangangambahan ng Santo Papa Francisco na epekto ng dalawang taong pag-iral ng pandemya na maging karaniwan na ang hindi pagsisimba sa mga parokya lalo na sa simbahan ng Europa.

Natutuwa ang Nuncio na ang pangambang ito ay hindi makikita sa mananampalatayang Filipino na higit pang nasasabik na makapasok sa mga simbahan.

Sa kasalukuyan, umiiral sa Metro Manila na binubuo ng 17 lungsod at 38-iba pang lugar sa Pilipinas ang alert level 1 status dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng alert status 1, pinapayagan na ang 100 porsiyento ng kapasidad sa mga pampublikong sasakyan, gusali at establisimyento gayundin sa mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 7,119 total views

 7,119 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 131,530 total views

 131,530 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 175,038 total views

 175,038 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 256,029 total views

 256,029 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 12,442 total views

 12,442 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top