Pagsunod sa safety protocols sa pagdiriwang ng Mahal na Araw, ipinag-utos ni Archbishop Palma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 792 total reads

Inatasan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga parokya ng arkidiyosesis na mahigpit na pakikipag-ugnayan sa nalalapit na pagdiriwang ng mga Mahal na Araw.

Sa inilabas na liham sirkular ng Arsobispo, pinaalalahanan nito ang mga pari na sundin pa rin ang mga protocol na pinagkasunduan ng simbahan at lokal na pamahalaan.

 

Ayon pa kay Archbishop Palma, bagamat maluwag na ang quarantine restrictions sa malaking bahagi ng bansa ay mahalaga ang pag-iingat lalo’t may banta ng ‘deltacron’ variant ng COVID-19.

Kabilang sa dapat isaalang-alang ng mga parokya ang constant cooperation and collaboration sa mga LGUs; sanitation ng mga parish churches; seating capacity ng mga simbahan; mga panuntunan sa mga gawain sa Semana Santa; at ang maihigpit na pagsunod sa safety protocol.

Sa kasalukuyan pinahihintulutan ng mga LGU ng Cebu ang 75-percent seating capacity sa loob ng mga simbahan habang magpapatupad ng physical distancing sa labas ng mga bahay dalanginan.

Pahihintulutan rin ng Archdiocese ang mga traditional na gawain tuwing Semana Santa tulad ng prusisyon at iba pa.

“This year however, we allow said activities [foot processions, Via Crucis] and be ever mindful of the health protocol, namely, the wearing of face mask and observing physical distancing at all times,” bahagi ng liham sirkular ni Archbishop Palma.

Kinakailangang aprubado ng lokal na pamahalaan ang ruta na dadaanan ng mga prusisyon para sa mas maayos na pagpapatupad ng safety protocol habang mahigpit na ipinagbabawal ang pagbitbit sa ‘Andas’ sa halip isakay na lamang ito sa sasakyan.

Umaasa si Archbishop Palma na maging makabuluhan ang pagdiriwang sa Paschal Triduum ngayong pinahihintulutan na ang pisikal na pagdalo sa mga simbahan at makatutulong na mapalalim ang pananampalataya ng mamamayan.

“May our observance of the Lenten season and the Paschal Triduum deepen our faith and lead us to an authentic renewal of mind and heart,” dagdag ng Arsobispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 10,546 total reads

 10,546 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 41,819 total reads

 41,819 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 121,220 total reads

 121,220 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 215,446 total reads

 215,446 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 275,592 total reads

 275,592 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top