Matatag na pananampalataya ng mga Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic, ikinatuwa ng Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,014 total reads

Ikinagagalak ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang pananatiling matatag ng pananampalataya ng mga Filipino at pananabik na makabalik sa mga parokya makalipas ang 2-taong pag-iral ng pandemic novel coronavirus.

Ito ang inihayag ni Archbishop Brown sa pagpapanumbalik ng mga mananampalataya sa mga parokya kasunod ng pagluwag sa umiiral na panuntunan ng community quarantine sa Pilipinas.

“I think one of the encouraging things in the Philippines is that, as covid is disappearing numbers of masses are returning with strength,” ayon kay Archbishop Brown sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas.

Ayon sa Nuncio, maraming lugar kabilang na sa Europa ang nangangamba na hindi bumalik ang mga tao sa simbahan at nasanay nang hindi pumasok ng parokya dulot ng dalawang taong pandemya.

“In places like Europe, some are worried that when COVID is finished they would have lost some of their people who will not come back. They’d lost the practice and habit of going to Mass during these two years and they won’t come back,” dagdag pa ni Archbishop Brown.

Sinabi ng Nuncio na isa sa pinangangambahan ng Santo Papa Francisco na epekto ng dalawang taong pag-iral ng pandemya na maging karaniwan na ang hindi pagsisimba sa mga parokya lalo na sa simbahan ng Europa.

Natutuwa ang Nuncio na ang pangambang ito ay hindi makikita sa mananampalatayang Filipino na higit pang nasasabik na makapasok sa mga simbahan.

Sa kasalukuyan, umiiral sa Metro Manila na binubuo ng 17 lungsod at 38-iba pang lugar sa Pilipinas ang alert level 1 status dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng alert status 1, pinapayagan na ang 100 porsiyento ng kapasidad sa mga pampublikong sasakyan, gusali at establisimyento gayundin sa mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,569 total reads

 79,569 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,710 total reads

 157,710 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 191,158 total reads

 191,158 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,454 total reads

 226,454 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,801 total reads

 449,801 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top