Kapayapaan sa Ukraine, hilingin kay Our Lady of Fatima

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 817 total views

Nananawagan si Father Carlos Reyes, Kura Paroko ng Our Lady of Fatima Parish sa Mandaluyong City sa mananampalataya na magrosaryo at hilingin sa Mahal na Birhen ng Fatima ang pag-aadya mula sa banta ng digmaan.

Ito ay sa ginanap na “Mass for World Peace and Ukraine” sa Our Lady of Fatima parish na pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ayon sa Pari, ang idinaos na misa ay kaugnay ng pag-aadya at aparisyon sa Fatima Portugal ng Mahal na Birheng Maria sa tatlong bata noong 1930 sa pagkaranas ng mundo ng World War I.

“Kagaya po ng sinabi ng Mahal na Ina 100 years ago na ang nakakaraan manalangin po tayo, let’s pray the rosary magbalik loob po tayo sa panginoon, pagsisihan natin ang ating mga kasalanan at lalung-lalu na ipinalangin natin yung conversion ng mundo,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Pari.

Ibinahagi ni Father Reyes na isang misa din ang ginanap sa Chapel of the Eucharistic Lord sa SM Megamall na pinangunahan ni Monsignor Bong Lo na inorganisa Military Order of Hospataliers of Malta, Order of Malta para sa Ukraine.

Labis rin ang kagalakan at pasasalamat ni Father Reyes sa pagpapaunlak ni Cardinal Advincula upang pangunahan ang misa kasunod ng panawagan ng mga Obispo ng Ukraine sa buong mundo na ipinanalangin sa kalinis-linisang puso ni Maria na tumigil na ang tensyon sa pagitan Ukraine at Russia.

Iginiit ni Father Reyes na mahalaga ang pagdaraos ng mga misa para sa kapayapaan upang ipag-adya ng Panginoon ang buong daigdig mula sa banta ng digmaan katulad ng alitan sa pagitan ng China at Taiwan.

“Nakakatakot din dahil dito sa Asia mayroon ding problema ng Taiwan, China atsaka Taiwan na baka magkaroon din ng digmaan at masasangkot din tayo, ganon ang nangyari noong World War II, nagkaroon ng giyera sa Pacific, Nagkaroon ng Giyera sa Europe buong mundo ay sumailalim sa giyera,” ayon pa sa Pari.

Sa pinakahuling tala ng United Nations noong March 13 2022, umaabot na sa mahigit 600 ang nasawi at higit sa 1-libong sibilyan na ang iniwang sugatan ng patuloy na pananakop ng Russia sa Ukraine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 9,204 total views

 9,204 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 133,615 total views

 133,615 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 177,067 total views

 177,067 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 257,884 total views

 257,884 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top