Faith-based election coalition, umalma sa pag-iimprenta ng Comelec ng balota kahit walang observers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total views

Nababahala ang Halalang Marangal 2022 Coalition kaugnay sa kwestiyunableng pag-imprenta ng Commission on Elections (COMELEC) sa 67-porsyento ng mga election ballots ng walang presensya ng mga accredited-observers.

Sa pahayag na nilagdaan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo-chairman ng Caritas Philippines at Convenor ng Halalang Marangal 2022, kaduda-duda ang naging hakbang ng COMELEC na bukod sa walang saksi sa pag-imprenta ng mga balota ay hindi rin naglagay ng mga CCTV camera para ‘transparency’ ng proseso.

“We see this issue on the ballot printing at the National Printing Office and in the Comelec’s Sta. Rosa warehouse without the presence of accredited citizens’ arms or observation groups as very alarming, especially as citizens arms groups were always invited to these activities in previous elections,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

“The installation of CCTV cameras would have at least increased the confidence of the public given the IATF safety protocols. However, even these simple measures weren’t provided.”

Giit ng koalisyon dapat na magkaroon ng 100% audit sa lahat ng 67-porsyento ng mga naimprentang election ballots ng COMELEC ang mga qualified auditors na may kaalaman sa mga specifications at security markings ng mga balota upang mawala ang mga pagdududa.

Paliwanag ng Halalang Marangal 2022 Coalition, mahalagang matiyak ng COMELEC na walang bahid dungis ang kabuuang proseso ng paghahanda para sa eleksyon upang magkaroon ng buong tiwala ang taumbayan sa magiging resulta ng nakatakdang halalan.

“We at Halalang Marangal 2022, together with all concerned parties, request that these 67% printed ballots be subject to a 100% audit by qualified auditors who are knowledgeable of the ballot’s specifications and security markings.” Dagdag pa ng Halalang Marangal 2022.

Kabilang rin sa rekomendasyon ng koalisyon ang muling pagsusuri o auditing ng mga IT teams na dumalo sa mga source code review ng lahat ng mga SD cards na gagamitin sa halalan.

Giit pa ng Halalang Marangal, dapat na mapanagot ang mga nagsagawa ng kuwestunableng pag-imprenta ng mga balota ng walang saksi upang walang pagdududa ang publikosa kabuuang proseso ng halalan.

Ang Halalang Marangal 2022 Coalition ay binubuo ng may 20 church and civic organization na nagkaisa bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 59,659 total views

 59,659 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 89,881 total views

 89,881 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 116,532 total views

 116,532 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 211,505 total views

 211,505 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 228,676 total views

 228,676 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top