Mga lider ng Simbahan, bukas sa sinumang kandidato na humihingi ng pagbabasbas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,006 total reads

Pinaalalahanan ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na hilingin sa Diyos ang paggabay sa pang araw-araw na buhay.

Ito ang mensahe ng Obispo kaugnay sa pagtanggap ng mga kandidato at pagbabasbas sa sinumang humihiling at lumalapit sa simbahan.

“We remind all who come to us, that we must always resort and return to God. In their campaigns and works, let it be God first, and everyone, everything to God, for God,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, bilang Simbahan bukod tanging panalangin ang maiaalay para sa kawang nasasakupan.

Nilinaw ni Bishop Santos na mananatiling non-partisan ang simbahang katolika subalit bukas ito sa sinumang nagnanais humiling ng pagbabasbas.

“Our Church is open to all, we welcome all. The Church as a Mother accepts all, accommodates and is available to all,” ani Bishop Santos.

Kamakailan ay bumisita sa St. Joseph Cathedral sa Balanga si Presidental aspirant Ferdinand Marcos Jr. kung saan tinanggap at binasbasan ni Bishop Santos.

Bukod kay Marcos Jr. nauna nang nagtungo sa Balanga Cathedral sina presidential aspirant Norberto Gonzales, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice President Leni Robredo.

Bahagi na ng pag-iikot ng mga kandidato ang pagbisita sa mga simbahan at iba pang religious communities upang makipagdayalogo para sa ikabubuti ng pamayanan.

Tiniyak ng Simbahan na bagamat non-partisan ay mananatiling kumikiling sa katotohanan at katarungan at magbibigay ng mga panuntunang gagabay sa 67-milyong botante sa darating na halalan sa Mayo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 224,173 total reads

 224,173 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,904 total reads

 255,904 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,728 total reads

 357,728 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 398,290 total reads

 398,290 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,926 total reads

 409,926 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top