Nalulong sa iba’t-ibang bisyo, inaanyayahan sa SuGod renewal program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 815 total reads

Inaanyayahan ng Surrender to God (SuGod) recovery progam ng Archdiocese of Cebu ang mga nalulong sa iba’t-ibang uri ng adiksyon na makiisa sa kanilang renewal program.

Ayon kay SuGod Executive Director Fe Barino, kasalukuyang pangulo ng Cebu Archdiocesan Commission on the Laity bukas ang programa lalo na sa mga kasapi ng LGBTQIA+ na nagnanais magbagong buhay.

“There is hope for everyone; SuGod welcomes any person with problem on addiction who needs help and willing to Surrender to God,”pahayag ni Barino.

Tiniyak ng pamunuan ng SuGod na ligtas at bukas ang lugar para sa mga nagnanais panibaguhin ang pananaw sa buhay lalo na ang mga nagumon sa bisyo at iba pang uri ng adiksyon.

Nanawagan si Barino na samantalahin ang libreng programa para sa mas maayos at mapayapang pamayanan.

“The program is free, courtesy of the many people who care to contribute for a peaceful society, free from drugs,” ayon pa ni Barino. Pangangasiwaan ang recovery program ng mga vounteer facilitators na dumaan sa pagsasanay para sa scientific at faith-based approached sa addiction prevention.

Bukod pa rito ang ilang pari ng arkidiyosesis na nakatutok sa programa para sa paghuhubog pang espirituwal kasama ang prayer vigil adorer’s ng Love of God charismatic community na itinatag ni Barino.

Isasagawa ang programa sa March 28 hanggang 31 sa DAP Training Center sa Compostela Cebu.

Matatandaang pinasimulan ni Barino ang programa noong 2016 na malaking tulong sa paglunsad ng malawakang drug war campaign ng administrasyong Duterte kung saan libu-libong drug surrenders ang natulungan ng programa na makapagbagong buhay.

Para sa karagdagang detalye makipag-ugnayan lamang kay JayR Reynes sa cellphone number 0956-0389972.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 236,931 total reads

 236,931 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 268,661 total reads

 268,661 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 370,485 total reads

 370,485 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 411,048 total reads

 411,048 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 421,811 total reads

 421,811 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top