Krus ni Hesus, sagisag ng tagumpay at buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,494 total reads

Pinaalalahanan ng kinatawan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mananampalataya na ang Krus ni Hesus ay sagisag ng tagumpay at buhay na walang hanggan.

Ito ang mensahe ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa paggunita ng senternaryo ng Pagkakatuklas sa Imahe ng Mahal na Krus sa Tondo, Manila.

Ayon sa opisyal, sa pamamagitan ng Banal na Krus ay niyakap ni Hesus ang kamatayan upang tubusin ang sangkatauhan sa kasalanan.

“Jesus our Savior, our wonderful God, reaches us out and embrace the second tree, the tree of the cross and turns the tree of death into the tree of life; and that is the mystery of our faith,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Tinukoy ng Nuncio ang buong kababaang-loob na pagyakap at pagbayubay ni Hesus sa krus upang iligtas ang tao sa kamatayang dulot ng kasalanan.

Hamon ni Archbishop Brown sa mananampalataya na yakapin ang Krus ng buhay sa anumang hamong kinakaharap sapagkat sinasagisag ng krus ang tagumpay tungo sa buhay na walang hanggan.

“Because of Jesus’ obedience to the Father, it becomes for us the source of life, because Jesus reaches out and embraces the tree of death on the cross; but he triumphs death, rises from the dead and the cross then becomes not a symbol of death, but a symbol of life,” ani ng Nuncio.

Ayon sa kasaysayan, natagpuan ni Crispino Lacandaso ang imahe ng krus ng biyakin ang puno ng Sampaloc noong Marso 23, 1922 sa Gagalangin Tondo Manila.

Kalaunan itinayo ang kapilya ng Kambal na Krus na dinadayo ng mga deboto at mananampalataya upang maghandog ng panalangin sa Banal na Krus ni Hesus.

Sa Ika – 100 Anibersaryo ng Pagkakatuklas ng Krus pinangunahan ni Archbishop Brown ang pagbabasbas sa marker ng kapilya na nilagdaan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ito ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo Manila sa pamumuno ni Father Joselino Tuazon at pagtutulungan ng komunidad kasama ang pamilya ni Lacandaso.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 6,838 total reads

 6,838 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 7,017 total reads

 7,017 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 21,936 total reads

 21,936 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 144,365 total reads

 144,365 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 194,729 total reads

 194,729 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 321,787 total reads

 321,787 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 406,273 total reads

 406,273 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top