Leni-Kiko tandem, susuportahan ng Council of the Laity ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 621 total views

Nagpahayag na rin ng suporta ang Council of the Laity ng Archdiocese of Manila sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Francis “Kiko” Pangilinan para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo sa darating na halalan.

Kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Panginoon o Solemnity of the Annunciation of our Lord ay inihayag ng Council of the Laity-RCAM ang resulta ng mga isinagawang circles of discernment ng mga laiko sa Arkdiyosesis.

Tinagurian ang discernment process ng Sangguniang Laiko ng Arkidiyosesis ng Maynila na “Hininga-Nilay-Kilos” o See-Judge-Act kung saan nagsilbing gabay ng mga layko ang mga panlipunang turo ng Simbahan sa pagninilay kung sino ang mga karapat-dapat na ihalal na mga bagong opisyal.

“Invoking the Holy Spirit in prayer, the Roman Catholic Archdiocese of Manila-Council of the Laity (RCAM-CL) went through a “Hininga-Nilay-Kilos” (See-Judge-Act) discernment process in the context of the present political situation for the upcoming national elections in May 2022. In our collective discernment, we, the overwhelming majority of the Vicariate Lay Representatives constituting the core group of the RCAM Council of the Laity, have come to the conclusion that Maria Leonor “Leni” Robredo and Francis “Kiko” Pangilinan are the persons most qualified to lead our nation as President and Vice President respectively,” pahayag ng Council of the Laity-RCAM.

Ipinaliwanag ng Council of the Laity ng Archdiocese of Manila na pinangungunahan ng Interim President nito na si Teodoro Santiago ang kanilang aktibong pagkikisangkot sa usaping pulitika.

Ayon kay Santiago, ito ang tugon ng mga layko sa arkisiyosesis sa hamon ng Simbahan partikular na ng Second Plenary Council of the Philippines (PCP 2) na pangunahan ng mga layko ang paghubog sa civic conscience ng taumbayan upang pumili ng mga opisyal na tunay na maglilingkod para sa kabutihan ng mas nakararami o ng common good.

“Our faith tells us that the obligation to participate in political life is rooted in our baptismal commitment to follow Jesus Christ and to bear Christian witness in all we do. As the Catechism of the Catholic Church reminds us, “It is necessary that all participate, each according to his/her position and role, in promoting the common good. This obligation is inherent in the dignity of the human person… As far as possible, citizens should take an active part in public life” (Catechism of the Catholic Church nos. 1913-1915),” dagdag pa ng Council of the Laity-RCAM.

Unang nagpahayag ng suporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Francis “Kiko” Pangilinan para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas at ang iba pang Diocesan at Archdiocesan Council of the Laity kabilang na ang mga layko mula sa mga Diyosesis ng Parañaque; Tarlac; Legazpi; Novaliches; Romblon; Archdiocese of Lipa; Archdiocese of San Fernando Pampanga; Apostolic Vicariate of Calapan at Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan.

Read:

Isa pang Diocesan Council of the Laity, nagpahayag ng suporta kay Robredo

Sa pagsusulong naman sa adbokasiyang “circles of discernment” ay ibinahagi rin ng Council of the Laity ng Archdiocese of Manila ang mga batayang naaayon sa katuruan ng Simbahang Katolika na kanilang ginamit upang magnilay para sa nakatakdang halalan. Attached Council of the Laity – The Roman Catholic Archdiocese of Manila:

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 39,823 total views

 39,823 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 72,905 total views

 72,905 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 101,256 total views

 101,256 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 168,988 total views

 168,988 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 189,347 total views

 189,347 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top