Pananalangin ng “oratio lipensis” sa kaligtasan ng Taal volcano residents, hiniling ng Archdiocese of Lipa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 835 total reads

Umabot na sa higit-1000-pamilya o 4,000 indibidwal ang mga nagsilikas at kasalukuyang nasa evacuation center sa Agoncillo, Batangas bunsod ng muling pagliligalig ng bulkang Taal.

Ayon kay Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) Director Father Jayson Siapco, patuloy na binabantayan ng komisyon ang kalagayan ng bulkan gayundin ang pagsasagawa ng rapid assessment upang alamin ang kalagayan at pangangailangan ng mga nagsilikas.

“May mga ahensya at iba’t ibang grupo na ang nakikipag-coordinate sa aming opisina pagdating sa ating mga possible responses sa ating Taal Volcano evacuees. Ngayon ang team ng Malasakit para sa Batangas ay nagtungo sa Laurel at Agoncillo para sa kanilang assessment,” pahayag ni Fr. Siapco.

Nangangailangan naman ang mga evacuees ng N95 face masks, pagkain at tubig, mga gamot, folding beds, hygiene kits, at diaper.

Kasalukuyang nakataas sa Alert Level 3 o magmatic unrest ang Taal Volcano kasunod ng phreatomagmatic eruption nito.

Pinag-iingat naman ng PHIVOLCS ang publiko lalo na ang mga residenteng nasa loob ng 5-kilometer radius mula sa bulkan na agad nang magsilikas para na rin sa kaligtasan sa mga posible pang mangyari sa mga susunod na araw.

Mas pinaigting din ng ahensya ang pagbabawal sa pagpasok sa Taal Volcano Island at sa mga high-risk barangay sa bayan ng Agoncillo at Laurel sa posibilidad ng panganib.

Hinikayat naman ng Archdiocese of Lipa ang pananalangin ng Oratio Lipensis para sa patuloy na kaligtasan ng lahat lalo’t higit ng Batangas sa banta ng pagliligalig ng Bulkang Taal.

Matatandaang January 12, 2020 nang muling sumabog ang Taal Volcano makalipas ang higit 40 taon magmula nang huli itong sumabog noong 1977.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 1,950 total reads

 1,950 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 24,499 total reads

 24,499 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 65,060 total reads

 65,060 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 91,800 total reads

 91,800 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 140,065 total reads

 140,065 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 161,062 total reads

 161,062 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,916 total reads

 128,916 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top