Caritas Manila, nakalikom ng 22-milyong piso sa PADAYON online concert

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 847 total reads

Nakalikom ang Caritas Manila ng mahigit sa 22 milyong piso mula sa isinagawang PADAYON: Pag-ibig, Damayan sa Pag-ahon online concert na idinaos noong ika-25 ng Marso ng taong kasalukuyan.

Sa isang post ng Caritas Manila Facebook page, inihayag nito ang pasasalamat sa mga sumuporta at nagbahagi para sa konsyerto kung saan ang nalikom na pondo ay gagamitin para sa pagpapakumpuni ng mga nasirang Simbahan sa pananalasa ng Bagyong Odette noong Disyembre ng taong 2021.

Magugunitang 10 diyosesis sa Pilipinas ang labis na naapektuhan ng Bagyong Odette dahilan upang magsagawa ng paunang relief and rehabilitation assistance ang Caritas Manila na umabot na sa 47 milyong piso.

Naniniwala si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Rev. Fr. Anton CT. Pascual na bahagi ng pagbangon ng mga naapektuhang mamamayan ang muling pagtatayo ng kanilang mga simbahan o pook dalanginan.

Ilan sa mga nagtanghal sa idinaos na online concert ay si Sarah Geronimo na nakipag duet sa kanyang mister na si Matteo Gaudacelli habang napanood din ang pag-awit ni Caritas Manila Internationalis President at dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Napanood din ang ilang mga mang-aawit mula sa Viva na nagpahayag ng kagalakan na maialay ang kanilang talento para sa pagkakawang gawa at pagtulong sa Simbahan.

Sa panayam ng Radyo Veritas kay Diocese of Kabankalan Bishop Louie Galbines, isa sa mga diyosesis na benepisyaryo ng proyekto, nagpapasalamat sila sa biyaya ng Panginoon na magkaroon ng mga indibidwal at grupo na para sa ganitong layunin at kaisa nila sa pagbangon mula sa epekto ng kalamidad.

“Through you and everyone you become the new instrument of God’s love for us, we know even in this diffuclt moments you carry our cross with us, we are not alone,” mensahe ni Bishop Galbines.

Inaasahang sa mga darating na araw ay sisimulan na ang rehabilitasyon ng mga nasirang Simbahan.

Ang himpilan ng Radyo Veritas 846, Ang Radyo ng Simbahan ay isa sa mga opisyal na media partner ng Padayon online concert.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 18,604 total reads

 18,604 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 117,346 total reads

 117,346 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 161,614 total reads

 161,614 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 184,726 total reads

 184,726 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 258,820 total reads

 258,820 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,045 total reads

 110,045 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top