Lifestyle change para sa kalikasan, hamon ni Bishop Pabillo sa sambayanang Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 770 total reads

Hinimok ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na sikaping baguhin ang mga nakagawian para sa kinabukasan ng ating nag-iisang tahanan.

Ito ang panawagan ni Bishop Pabillo, Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Office on Stewardship bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Earth Hour 2022 nitong March 26.

Ayon kay Bishop Pabillo, ang pagbabago ng ‘lifestyle’ tulad ng paglimita sa paggamit ng enerhiya na makatutulong para sa kalikasan.

“Ipanalangin natin na ang lahat ay sikaping magbago ng lifestyle upang maiwasan na ang pagiging maluho tulad na lamang sa paggamit ng energy. Energy is a limited resource,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Inaasahan naman ng obispo na nawa’y hindi lamang manatili sa loob ng isang oras ang mensaheng nais iparating ng Earth Hour kundi mas lalo pang mahikayat ang bawat isa na ipagpatuloy ang pagmamalasakit sa inang kalikasan.

“Ang Earth Hour ay nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Kapag ang kalikasan ay nasira, damay tayong lahat at ang ating kinabukasan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Umabot sa 192 bansa at teritoryo sa buong mundo ang nakiisa sa Earth Hour sa pamamagitan ng isang oras na pagpatay sa mga ilaw at kagamitang de kuryente mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi.

Ang Earth Hour ay inisyatibo ng World Wide Fund for Nature – isang international non-government organization na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

Taong 2007 nang unang isagawa ang programa sa Sydney, Australia, at 2008 naman nang ilunsad ito sa Pilipinas.

Tema naman ngayong taon ang ‘Shape Our Future’ na layong paalalahanan ang publiko na ang lahat ay may mahalagang gampanin sa paghubog sa bagong kinabukasan ng mamamayan at ng daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 225,408 total reads

 225,408 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,139 total reads

 257,139 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 358,963 total reads

 358,963 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 399,525 total reads

 399,525 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,100 total reads

 411,100 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,043 total reads

 143,043 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top