Obispo, hinimok ang mga kandidato na isulong ang ‘renewable energy’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 792 total reads

Hinimok ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang mga kandidato para sa nalalapit na 2022 National and Local Elections na patuloy na isama sa mga plataporma at programa ang pangangalaga sa inang kalikasan.

Ayon kay Bishop Santos, Central Luzon Regional Representative ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dapat na isulong ng sinumang mahahalal na lider ng bayan ang pamumuhunan para sa renewable energy na tiyak na mura, malinis, at ligtas para sa kapaligiran lalo na sa kalusugan ng mga tao.

Ito’y sa kabila ng pagsusulong sa nuclear energy na kamakailan lamang ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 164 o ang pagpapatibay sa tungkulin ng bansa para sa nuclear energy program.

“As for our political candidates, make your advocacies to make use of renewable energy. No to nuclear power plant,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang mga presidential candidates na sang-ayon sa pagsusulong ng renewable energy ay sina Ka Leody de Guzman, Vice president Leni Robredo, at Manila City Mayor Isko Moreno.

Suportado naman nina former Senator Bongbong Marcos, at Senator Ping Lacson ang nuclear energy.

Matagal nang nananawagan sa pamahalaan ang iba’t ibang makakalikasang grupo laban sa muling pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant dahil sa panganib na maaaring idulot nito sa kalikasan at kalusugan ng tao.

Ang lalawigan ng Bataan ang tahanan ng BNPP na ipinagawa sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 1972 at natapos noong 1984.

Nagkakahalaga ito ng $2B na hindi rin nagamit matapos ng EDSA People Power Revolution noong 1986.

Sa pag-aaral ng Department of Energy (DOE), National Power Corporation (NAPOCOR) at Korean Electric Power Company (KEPCO) na aabot sa isang bilyong dolyar ang magagastos ng pamahalaan sa loob ng apat na taon para sa muling pagbuhay sa 631-megawatt BNPP.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 9,786 total reads

 9,786 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 37,258 total reads

 37,258 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 77,817 total reads

 77,817 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 103,934 total reads

 103,934 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 152,201 total reads

 152,201 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 172,616 total reads

 172,616 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,494 total reads

 129,494 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top