Misa, paaralan at social media, gamitin laban sa same sex union bill-Bp. Bacani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 478 total reads

Hinimok ni Novaliches Bishop emeritus Teodoro Bacani Jr. ang Simbahang Katolika na gamitin ang Misa, ang social media at mga Catholic educational institutions para ipakalat ang tamang impormasyon sa publiko na hindi dapat maisabatas sa Pilipinas ang same sex union or the civil union of members of the LGBT community.

Ayon sa obispo, may kakayahan ang Simbahan para magkaroon ng kaalaman ang mamamayan sa hindi magandang dulot ng same sex union lalo na sa pamilyang Filipino sa pamamagitan ng mga Misa, o ang pagtuturo sa mga catholic school.

Pahayag pa ni Bishop Bacani, may access ang lahat sa social media na maaari ding gamitin ng Simbahan para sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa moralidad o yung sinasaad ng batas ng estado at batas ng Panginoon hinggil sa pag-aasawa na ang kasal ay para lamang sa isang babae at isang lalaki.

“Itong ginagawa ninyo yang developing awareness through the mass media through social media, napakalaki ng network natin for education gaya ng catholic educational institutions, yung mga Sunday Masses sa mga parishes natin kung gagamitin nating mabuti, itong mga pamamaraang ito magkakaroon ng awareness ang mga tao at makikita ang kamalian ng tunay na mali,” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaakibat aniya ng mga pagpupursiging ito, dapat sabayan ng panalangin na manatili pa rin sa bawat isa na ang pamilya ang pundasyon para sa moralidad.

Dagdag ni Bishop Bacani, marapat ding ipagdasal ang mga mambabatas na nagsusulong ng same sex union na maliwanagan ang kanilang isip na hindi dapat gayahin ang kamalian ng mga taga Kanluran (Westerners).

“Anong dapat nating gawin para maunawan at maiparating natin sa mga mababatas na hindi lamang ito labanan ng numero kundi nakataya ang sambayanang Filipino, ang pamilyang Filipino? Manalangin tayo na talagang liwanagin ng Diyos ang ating mga mambabatas at mga namamahala. Ipanalangin natin sila pati na ang mga kalaban natin, totohanin natin ang ginagawa sa prayer of the faithful,” pahayag pa ng obispo.

Hanggang nitong July ng 2016, nasa higit 20 bansa na ang nagsa-ligal ng same sex union.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 74,744 total reads

 74,744 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 122,552 total reads

 122,552 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 170,423 total reads

 170,423 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 274,370 total reads

 274,370 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 356,985 total reads

 356,985 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 310,356 total reads

 310,356 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 417,285 total reads

 417,285 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top