ASP, nakikiisa sa paggunita ng World Autism Month

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,214 total reads

Ipinaliwanag ng Autism Society Philippines ang pagkakaiba ng autism spectrum disorder (ASD) sa iba pang kondisyon na nakakaapekto sa isang tao.

Ayon kay ASP President Mona Magno-Veluz, ang autism ay bahagi ng developmental conditions o disabilities kung saan ang isang tao ay masasabing mayroong kapansanan sa pisikal, kaalaman, pagsasalita, at pag-uugali.

Sinabi ni Veluz na madalas dito sa Pilipinas ay napapagkamalang isang mental health disorder o may kapansanan sa pag-iisip ang taong mayroong autism.

“Iyong term kasi na mental disorder, medyo vague ‘yun ha. We need to be more specific kasi it’s around the brain. Pero mental disorder, unfortunately, sa Pilipinas parang ang iniisip natin ay psychosocial condition,” ayon kay Veluz sa panayam ng Radio Veritas.

Bukod sa autism, kabilang sa mga developmental conditions ang attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), cerebral palsy, hearing loss, intellectual disability, learning disability, vision impairment, at iba pa.

Nilinaw din ni Veluz na hindi agad natutukoy sa pagsilang ang autism at madalas itong nakikita kapag ang bata ay nasa edad tatlong taong gulang na.

Dalawa sa mga pangunahing mapapansin sa batang mayroong ASD ay ang hirap sa pakikihalubilo sa kapwa at ang problema sa pagsasalita.

“Sa mga bata po, minsan ‘di sila nakakapagsalita agad o kaya meron silang repetitive o stereotypical behavior katulad nung pagtatakip ng tenga,” paliwanag ni Veluz.

Mensahe naman ni Veluz na patuloy lamang na iparamdam ang pagkalinga at paghikayat sa mga kaanak o kaibigan na may autismo na bagamat may kapansanan ay hindi ito magiging hadlang upang mamuhay nang normal at maabot ang mga pangarap sa buhay.

“Tandaan n’yo po na ang mga taong may autismo ay maaaring maging successful. Basta po bibigyan natin sila ng maagang intervention, ng pagmamahal, at we have to inspire others to accept, accommodate, and appreciate ang mga taong may autismo,” ayon kay Veluz.

Ginugunita ngayong Abril ang World Autism Month na layuning pahalagahan ang mga taong mayroong autismo, gayundin upang bigyang-pansin ang iba’t ibang usapin na nakakaapekto sa mga taong mayroon nito.

Dito sa Pilipinas, taong 1996 nang lagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Proclamation Number 711 na idineklara ang ikatlong linggo ng Enero bilang National Autism Consciousness Week.

Una nang inihayag ng Catholics Bishops’ Conference of the Philippines ang kahalagahan ng pagpapatupad ng mga batas na magbibigay ng pagkakataon sa sektor ng ‘Persons with Disabilities’ na sila’y makapagbahagi at makapamuhay ng may dignidad sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 82,563 total reads

 82,563 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 129,950 total reads

 129,950 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 177,821 total reads

 177,821 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 281,769 total reads

 281,769 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 364,070 total reads

 364,070 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 167,422 total reads

 167,422 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top