4th dose ng COVID 19 vaccine, importante sa senior citizens, immunocompromised at may comordibities

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 378 total reads

Inihayag ni Dr. Tony Leachon, dating Special Adviser to the National Task Force on COVID-19 na mas makabubuting magpabakuna ng 4th dose ng COVID-19 vaccine ang lahat upang matiyak ang total immunization laban sa virus.

Ayon kay Leachon, ito’y dahil lumabas sa pagsusuri ng United States Food and Drug Administration (USFDA) at Center for Disease Control (CDC) na katulad ng naunang 1st at 2nd doses ng bakuna ay humihina rin ang epekto ng 3rd dose o booster shot makalipas ang tatlo hanggang anim na buwan.

“Lumabas sa research, ang 3rd dose pala nawawala din ang bisa; 3-6 months humihina nang konti. Kaya, that was the impetus as well for the 4th dose or ‘yung 2nd booster,” pahayag ni Leachon sa panayam sa Veritas Pilipinas.

Giit ng eksperto na bagamat hindi sapilitan ang muling pagpapabakuna, mahalaga ang 4th dose lalo na sa mga senior citizen, immunocompromised, at mayroong comorbidities.

Ito’y dahil kahit nagpabakuna na ng unang booster shot, mas mahina pa rin ang kanilang kalusugan na maaaring magdulot upang magkaroon ng mas malalang karamdaman.

“Samakatuwid, kung kayo po ay 65 [years old and above] at immunocompromised or any age na may comorbid conditions at kayo’y nakatatlong bakuna, may booster na, ang sina-suggest ng CDC ay mag-booster kayo. And that is the 4th dose para maging protektado kayo from any variant na lalabas po sa ating bansa,” saad ni Leachon.

Samantala, ayon sa Department of Health, nananatiling epektibo ang COVID-19 vaccines laban sa bagong variant ng coronavirus na Omicron XE.

Ang Omicron XE ay ang pinagsamang dalawang Omicron sub-variants na BA.1 at BA.2 strains na lumalabas kapag ang pasyente ay nahawaan ng maraming COVID-19 variants.

Paliwanag ng ahensya na ang COVID-19 vaccines ay mayroong tiyak na 30 hanggang 40 percent na proteksyon laban sa Omicron X at 80 porsyento naman laban sa severe diseases.

Batay sa pagsusuri ng World Health Organization, ang Omicron XE ay nasa 10 porsyento lamang ang posibilidad na makahawa, gayunpaman, patuloy pa rin itong pinag-aaralan.

Sa kasalukuyan, nasa 12-milyon mula sa halos 47-milyong indibidwal na ang nakatanggap ng booster shots.

Nasa higit 66-milyong indibidwal naman ang kumpleto na sa bakuna laban sa COVID-19 habang higit sa 71-milyon naman ang nakatanggap na ng unang dose.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 61,321 total reads

 61,321 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 140,304 total reads

 140,304 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,749 total reads

 173,749 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,047 total reads

 209,047 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 433,108 total reads

 433,108 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,334 total reads

 157,334 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top