Maging magiting para sa Pilipinas, hamon ng SLP sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 679 total views

Ang bawat isa ay tinatawagan na maging magiting para sa bayan.
Ito ang mensahe ni Bro. Jun Cruz – Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa paggunita ng ika-80 taong Araw ng Kagitingan.

Ayon kay Cruz, isang hamon sa bawat Pilipino ang paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong taon upang maging magiting sa pananalita, pagkilos at pagpapamalas ng pagmamahal sa kapwa at bayan.

Ipinaliwanag ni Cruz na tulad ng magiting na pagmamahal ng Panginoon sa sangkatauhan ay maipapalamas rin ng bawat isa ang kagitingan sa bayan sa pamamagitan ng paggawa ng tama at pagtataguyod ng katotohanan lalo na ngayong panahon ng halalan.

“Isang napakataas at matayog na hamon po sa lahat sa atin ay ang maging magiting, sana po ay maging magiting tayo sa ating pananalita, magiting sa ating pagmamahal, magiting sa ating pagkilos, sana po ang Araw ng Kagitingan po ipakita natin ang kagitingan ng ating lahi at sa mga araw pong ito sa Araw ng Kagitingan sana’y magningning ang kagitingan ng pagmamahal ng Diyos sa atin, gawin ang tama, itaguyod ang katotohanan.” pahayag ni Cruz sa panayam sa Radio Veritas.

Tema ng ika-80 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ngayong taon ang “Kagitingan ng mga Beterano, Inspirasyon ng Nagkakaisang Pilipino.”

Ang Araw ng Kagitingan o Day of Valor ay isa ring pag-alala sa tinaguriang Bataan Death March kung saan sapilitang pinalakad ng mga Hapon ang mga Filipino at Amerikanong sundalo na tinaguriang mga ‘prisoners of war’ mula Bataan hanggang San Fernando, Pampanga.
Mula sa mahigit 75-libong Filipino at Amerikanong sundalo na sumuko sa mga Hapon ay nasa 5 hanggang 10-libo ang nasawi dahil sa naranasang kalupitan bukod pa sa gutom at sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 7,151 total views

 7,151 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 131,562 total views

 131,562 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 175,070 total views

 175,070 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 256,061 total views

 256,061 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top