Pahalagahan ang tinatamasang kalayaan, apela ni Bishop Santos sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 849 total reads

Pinanguhan ni Diocese of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang pag-aalay ng panalangin sa lahat ng mga nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga dayuhang bansa.

Sa pamamagitan ng isang payak na pagdiriwang sa ika-80 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ay inalala at binigyang pagkilala ng pamahalaan at Simbahan ang mga bayani at beterano na nagpakasakit at nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng Pilipinas.

Ipinagdarasal ni Bishop Santos ang patuloy na patnubay ng Panginoon sa bawat Pilipino na pahalagahan at hindi sayangin ang tinatamasang kalayaan ng bansa na bunga ng pagpapakasakit, paninindigan at pagsasakripisyo ng buhay ng maraming bayaning nasawi partikular na noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

“Salamat din sa aming mga bayani at beterano na nagpakasakit, nagtanggol at sa huli ay nagbuwis ng buhay para sa aming kalayaan, para sa aming karapatan, at para sa aming kapayapaan tanggapin mo po sila sa iyong kaharian at pagkalooban ng buhay na walang hanggan. Sa iyong patnubay at kagandahang loob o makapangyarihang Diyos nawa ay hindi namin sayangin, hindi namin aksayahin, hindi namin balewalain ang lahat ng kanilang pinaghirapan, ang lahat ng kanilang ipinaglaban at lahat ng kanilang itinaya sa kanilang sariling buhay,” panalangin ni Bishop Santos sa paggunita ng ika-80 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.

Bahagi rin ng panalangin ni Bishop Santos na higit pang mapagyaman at maisabuhay ng bawat isa ang kalayaang tinatamasa ng bansa sa kasalukuyan sa pamamagitan ng patuloy na paninindigan at pagsusulong ng karapatan at karangalan ng kapwa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala at pananampalataya.

“Sa amin ngayong tinatamasang panibagong buhay ay aming iingatan at hindi pababayaan, aalagaan at hindi paglalaruan, pagyayamanin at hindi sisirain, sa amin ngayong nakamit na kalayaan ay aming higit na igagalang, higit na isusulong at higit na isasabuhay sa aming pagkilala at pagtanggap ng karapatan at karangalan ng aming kapwa,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Isinagawa ang payak na pagdiriwang sa paggunita sa ika-80 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan na pinangunahan ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra.

Nauna rito, hinamon ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mga Pilipino na maging magiting para sa bansa.

Read: https://www.veritasph.net/maging-magiting-para-sa-pilipinas-hamon-ng-slp-sa-mga-filipino/

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,451 total reads

 2,451 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,405 total reads

 4,405 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 12,659 total reads

 12,659 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,037 total reads

 50,037 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,308 total reads

 81,308 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,044 total reads

 158,044 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 251,679 total reads

 251,679 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,040 total reads

 24,040 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top