Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging magiting para sa Pilipinas, hamon ng SLP sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

 546 total views

Ang bawat isa ay tinatawagan na maging magiting para sa bayan.
Ito ang mensahe ni Bro. Jun Cruz – Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa paggunita ng ika-80 taong Araw ng Kagitingan.

Ayon kay Cruz, isang hamon sa bawat Pilipino ang paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong taon upang maging magiting sa pananalita, pagkilos at pagpapamalas ng pagmamahal sa kapwa at bayan.

Ipinaliwanag ni Cruz na tulad ng magiting na pagmamahal ng Panginoon sa sangkatauhan ay maipapalamas rin ng bawat isa ang kagitingan sa bayan sa pamamagitan ng paggawa ng tama at pagtataguyod ng katotohanan lalo na ngayong panahon ng halalan.

“Isang napakataas at matayog na hamon po sa lahat sa atin ay ang maging magiting, sana po ay maging magiting tayo sa ating pananalita, magiting sa ating pagmamahal, magiting sa ating pagkilos, sana po ang Araw ng Kagitingan po ipakita natin ang kagitingan ng ating lahi at sa mga araw pong ito sa Araw ng Kagitingan sana’y magningning ang kagitingan ng pagmamahal ng Diyos sa atin, gawin ang tama, itaguyod ang katotohanan.” pahayag ni Cruz sa panayam sa Radio Veritas.

Tema ng ika-80 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ngayong taon ang “Kagitingan ng mga Beterano, Inspirasyon ng Nagkakaisang Pilipino.”

Ang Araw ng Kagitingan o Day of Valor ay isa ring pag-alala sa tinaguriang Bataan Death March kung saan sapilitang pinalakad ng mga Hapon ang mga Filipino at Amerikanong sundalo na tinaguriang mga ‘prisoners of war’ mula Bataan hanggang San Fernando, Pampanga.
Mula sa mahigit 75-libong Filipino at Amerikanong sundalo na sumuko sa mga Hapon ay nasa 5 hanggang 10-libo ang nasawi dahil sa naranasang kalupitan bukod pa sa gutom at sakit.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 28,915 total views

 28,915 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 46,899 total views

 46,899 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 66,836 total views

 66,836 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,741 total views

 83,741 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,116 total views

 97,116 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 23,906 total views

 23,906 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »
Scroll to Top