Pahalagahan ang tinatamasang kalayaan, apela ni Bishop Santos sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 889 total reads

Pinanguhan ni Diocese of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang pag-aalay ng panalangin sa lahat ng mga nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga dayuhang bansa.

Sa pamamagitan ng isang payak na pagdiriwang sa ika-80 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ay inalala at binigyang pagkilala ng pamahalaan at Simbahan ang mga bayani at beterano na nagpakasakit at nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng Pilipinas.

Ipinagdarasal ni Bishop Santos ang patuloy na patnubay ng Panginoon sa bawat Pilipino na pahalagahan at hindi sayangin ang tinatamasang kalayaan ng bansa na bunga ng pagpapakasakit, paninindigan at pagsasakripisyo ng buhay ng maraming bayaning nasawi partikular na noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

“Salamat din sa aming mga bayani at beterano na nagpakasakit, nagtanggol at sa huli ay nagbuwis ng buhay para sa aming kalayaan, para sa aming karapatan, at para sa aming kapayapaan tanggapin mo po sila sa iyong kaharian at pagkalooban ng buhay na walang hanggan. Sa iyong patnubay at kagandahang loob o makapangyarihang Diyos nawa ay hindi namin sayangin, hindi namin aksayahin, hindi namin balewalain ang lahat ng kanilang pinaghirapan, ang lahat ng kanilang ipinaglaban at lahat ng kanilang itinaya sa kanilang sariling buhay,” panalangin ni Bishop Santos sa paggunita ng ika-80 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.

Bahagi rin ng panalangin ni Bishop Santos na higit pang mapagyaman at maisabuhay ng bawat isa ang kalayaang tinatamasa ng bansa sa kasalukuyan sa pamamagitan ng patuloy na paninindigan at pagsusulong ng karapatan at karangalan ng kapwa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala at pananampalataya.

“Sa amin ngayong tinatamasang panibagong buhay ay aming iingatan at hindi pababayaan, aalagaan at hindi paglalaruan, pagyayamanin at hindi sisirain, sa amin ngayong nakamit na kalayaan ay aming higit na igagalang, higit na isusulong at higit na isasabuhay sa aming pagkilala at pagtanggap ng karapatan at karangalan ng aming kapwa,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Isinagawa ang payak na pagdiriwang sa paggunita sa ika-80 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan na pinangunahan ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra.

Nauna rito, hinamon ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mga Pilipino na maging magiting para sa bansa.

Read: https://www.veritasph.net/maging-magiting-para-sa-pilipinas-hamon-ng-slp-sa-mga-filipino/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 66,809 total reads

 66,809 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 145,547 total reads

 145,547 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 178,994 total reads

 178,994 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 214,291 total reads

 214,291 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,071 total reads

 438,071 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top