Veneration of the Cross, paalala ng walang hanggan at dakilang pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,532 total reads

Ipinapakita ng pagdiriwang sa pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo na huwag ng ulitin pa ang pagkakamali ng nakaraan.

Ito ang mensahe ni Minor Basilica of the Black Nazarene Parochial Vicar Father Douglas Badong ngayong Holy Week sa pagbibigay-pugay ng Simbahan sa Krus kung saan nasawi ang Panginoong Hesukristo o ang liturhiyang pagdiriwang ng Veneration of the Cross.

“Nagpapaalala din ito ng mga aral na maiaaply natin sa kasalukuyang nangyayari. Nangyari noon, may paraan para maitama at wag na maulit ang mga pagkakamali. Katulad nang maling paghatol, kasinungalingan at pagtratraydor,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Pari sa Radio Veritas.

Ayon kay Father Badong, nawa’y laging maalala ng bawat mananampalataya na ang pagdiriwang ng Veneration of the Cross tuwing Biyernes Santo ay paalala ng walang hanggan at dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

“Ang venerarion of the cross ay nagpapaalala sa atin nang dakilang pag-ibig ng Diyos. Ang Krus ay simbolo ng pag ibig ng Diyos,” ayon pa sa Pari.

Batid din ni Father Badong ang kagalakan ng mga mananampalatayang pisikal na nagtungo sa Quiapo Church ngayong Holy Week dahil narin ito ang unang beses matapos ipagbawal ng dalawang taon ang pisikal na pagsisimba ng mga mananampalataya nang dahil narin sa banta ng COVID-19.

Paalala ng Pari sa bawat mananamapalatayang magtutungo sa Quiapo Church at iba pang simbahan ngayong Mahal na Araw ang patuloy at mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad ng health protocols, ito ay upang hindi lamang mapangalagaan ang sarili kungdi upang mapangalagaan rin ang kalusugan ng mga lingkod ng simbahan.

“Matapos ang 2 taon… makikita at mararamdaman mo ang pananabik ng mga tao na makadalo sa mga gawain pang mahal na araw, Naway patuloy nating sundin ang mga safety protocols at disiplina habang ating ginagawa ang mga sakripisyo at penitensya natin ngayong mga mahal na araw,” pagbabahagi din ni Father Badong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 88,584 total reads

 88,584 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 166,089 total reads

 166,089 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 199,537 total reads

 199,537 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 234,835 total reads

 234,835 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 457,893 total reads

 457,893 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top