CBCP, hinikayat ang mananampalataya na makiisa sa Pandaigdigang Pagtitipon ng mga Pamilya sa Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 624 total views

Tiniyak ng simbahan sa Pilipinas ang pakikiisa sa 10th World Meeting of Families.

Ang pagtitipon ay gaganapin sa Vatican sa June 22-26 na pangungunahan ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Sa liham sirkular ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pamumuno ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, hinihiling sa bawat diyosesis sa bansa ang suporta sa mga gawain ng Family and Life Apostolate.

Kabilang sa mga gawain ang pagpapatunog ng mga kampana tuwing ika-anim ng gabi na susundan ng pagdarasal ng Angelus, sa buong panahon ng pagtitipon.

Hinihikayat din ni Bishop David ang mga parokya sa pagsasagawa ng 2nd collection sa June 18 ng gabi at sa lahat ng misa ng June 19, Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi at pagdiriwang ng Father’s Day.

Ang malilikom na pondo ay para suportahan ang mga programa ng Family and Life Apostolate kung saan 60-porsyento ay para sa diocesan family and life, 30-porsyento sa regional family and life ministry habang 10-porsyento naman sa national programs.

March 19, 2021 nang binuksan ng CBCP ang Amoris Laetitia Family Year sa ikalimang taon ng post synodal exhortation ni Pope Francis na Amoris Laetitia.

Nagsagawa ang CBCP-Episcopal Commission on Family and Life ng online conferences noong June 18-20, 2021 sa temang ‘Forming Fathers in the Image of St. Joseph: A Tribute to All Fathers on Their Special Day’ na pinangunahan ng Oblates of Saint Joseph; July 22-24 ang ‘Virtual Conference and Tribute to Grandparents ng Episcopal Commission on Youth, Liturgy at ng Catholic Grandparents Association of the Philippines; August 24 nag ‘A Father’s Heart in the Midst of Migration ng Episcopal Commission for Pastoral Care for Migrants and Itinerant People at noong September 25 ang ‘Sa Pamilya ang Simula’ ng Living Laudato Si Movement Philippines-Family Sector.

Sa nalalapit na pagtatapos magkakaroon ng regional celebrations at conferences sa pangunguna ng Regional Bishop Coordinators; sa Northern Luzon si San Fernando La Union Bishop Daniel Presto; Central Luzon si Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco; Southern Luzon si Sorsogon Bishop Jose Allan Dialogo; Visayas si Antique Bishop Marvin Maceda at sa Mindanao si Malaybalay Bishop Noel Pedregosa.

Pangungunahan naman ni Parañaque Bishop Jesse Mercado, chairman ng CBCP family and life ministry ang delegasyong dadalo sa pagdiriwang ng World Meeting of Families sa Vatican.

“We hope to continue the synodal path for the Family and Life Apostolate. The Dicastery for Laity, Family and Life has published Points of Reflection for a Synodal Journey with Families. These will be helpful in the diocesan and regional consultations that will culminate in the national general conference in November 2022,” bahagi pa ng pahayag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 32,995 total views

 32,995 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 63,218 total views

 63,218 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 89,869 total views

 89,869 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 184,842 total views

 184,842 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 203,847 total views

 203,847 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top