Hingin ang pamamagitan ni Sta. Rita de Cascia; Ang daan tungo sa buhay na ganap, malaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 987 total reads

Umapela sa mananampalataya ang kura paroko ng Sta. Rita de Cascia Parish sa Quezon City na higit na palalimin ang pagtitiwala sa Panginoon.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Alfredo Pascual Jr. binigyang diin na ang maalab na pananampalataya sa Diyos ay makatutulong upang malampasan ng tao ang mga hamong kinakaharap.

Ayon sa pari, sa tulong ni Sta. Rita de Cascia ay higit mailapit ng tao ang mga kahilingan sa pamamagitan ng santa.

“Magtiwala tayo kay Sta. Rita de Cascia, manampalataya sa Panginoon at maniwalang hindi tayo pababayaan ng Diyos sapagkat ang pananampalataya ay mahalagang sangkap ng ating buhay, ito ang ating expression sa pagkapit sa Diyos,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang misa ganap na alas-10 ng umaga kasama si Fr. Pascual at ilang mga pari ng diyosesis.

Sa homiliya ng obispo ibinahagi ang buhay ni Sta. Rita de Cascia na sa gitna ng hamon at kahirapang dinaranas ay natuklasan ang daan tungo kay Hesus.

“In life it’s important to have the right direction to Jesus; tulad ni Sta. Rita de Cascia natuklasan niya ang tunay na daan tungo sa isang buhay na ganap at malaya,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Ongtioco.

Inaanyayahan din ni Fr. Pascual ang mananampalataya na hingin ang pamamagitan ni Sta. Rita sapagkat ito ang patron ng mga imposibleng bagay.

“Dumulog tayo kay Sta. Rita de Cascia dahil siya ay patron ng impossible cases, dinudulog niya ang kanyang mga panalangin sa Panginoon kasama ang mga paghihirap natin,” dagdag ni Fr. Pascual.

Tema sa pagdiriwang ng ika-65 kapistahan ng parokya ang ‘Sta. Rita Kaagapay tungo kay Kristo’ kung saan ayon kay Fr. Pascual isang magandang ehemplo sa mamamayan ang mga halimbawa ng patron sa pagiging masigasig sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Naniniwala ang pari na diringgin ng Panginoon ang kahilingang idinudulog ng mamamayan sa pamamagitan ni Sta. Rita lalo na sa pagpapalago ng pananampalataya.

“Hindi tayo bibiguin ng Panginoon lalo na kung ito’y sa ikabubuti ng ating pananampalataya at magpapalago ng ating sprituality,” dagdag ni Fr. Pascual.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 13,937 total reads

 13,937 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 95,528 total reads

 95,528 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 128,977 total reads

 128,977 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 164,276 total reads

 164,276 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 390,343 total reads

 390,343 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top