Mamamayan, binalaan ng pamunuan ng Radio Veritas laban sa text at online scammers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 962 total reads

Nagbabala ang pamunuan ng Radio Veritas sa publiko laban sa mga scammer na ginagamit ang pangalan ng himpilan.

Tinukoy ng himpilan ang mga food delivery platform na kadalasang binibiktima gamit ang pangalan at textline number ng Radio Veritas846AM.

Kamakailan, sunod-sunod na dumating sa himpilan ang mga pagkain mula sa iba’t ibang food outlets na ino-order online gamit ang textline number nito.

Ayon sa Radio Veritas, walang sinumang kawani ng himpilan ang pinahihintulutang gamitin ang pangalan ng institusyon at textline number nito sa personal na pangangailangan.

Pagbabahagi ng isang food chain, isa sa natukoy na nag-order online ang nangangalang George Calimag gamit ang textline number at address ng himpilan sa Quezon City at email address na [email protected].

Gayundin binalaan din ng Radio Veritas ang mamamayan lalo na ang mga obispo at pari laban sa anak ng dating kawani na si Rolando Santoyo na ginagamit ang pangalan ng himpilan sa panghihingi ng tulong pinansyal.

Batay sa mga reklamong natanggap ng Radio Veritas mula sa ilang obispo at pari, nagpakilala itong kawani ng himpilan at nangangailangan ng tulong pinansyal para sa pagpapagamot.

Nilinaw ng institusyon na nagbigay na ng tulong ang himpilan at Caritas Manila para sa pamilya ni Santoyo.

Gayunman, nagpapatuloy pa rin ito sa pagpapadala ng text messages gayundin sa pamamagitan ng personal message sa social media account ng mga pari at Obispo.

Mariing pinaalalahanan ng Radio Veritas ang publiko na beripikahin ang mga natatanggap na mensahe o sulat gamit ang pangalan ng Radio Veritas upang makaiwas sa panloloko.

Maaring tumawag sa official number ng himpilan sa (02) 8925-7931 hanggang 39 para makupirma ang mga natatanggap lalo na sa online at usaping pinansyal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 13,929 total reads

 13,929 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 95,520 total reads

 95,520 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 128,969 total reads

 128,969 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 164,268 total reads

 164,268 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 390,335 total reads

 390,335 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top