Obispo, itinuturing na biyaya ang relocation ng Marawi “bakwits”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 859 total reads

Ikinagalak ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña ang pagkakaroon ng tahanan ng mga nabiktima ng Marawi Siege noong 2017.

Itinuturing ng Obispo na isang biyaya ang relocation ng mga internally displaced person (IDP) o mga bakwit lalo na ang mga sakop ng St. Mary’s Cathedral na kabilang sa idineklarang ground zero matapos ang limang buwang sagupaan.

Ayon kay Bishop Dela Peña, magandang kaloob ito lalo na sa pagdiriwang ng kapistahan ni Maria Auxilliadora o Mary, Help of Christians.

“Today is another milestone for our parishioners at St. Mary’s Cathedral Parish because after almost five years of living as ‘bakwit’ or IDP’s on the fringes of Campo Ranao, Marawi City they have now been relocated and are now safely settled here in Maria Cristina, Balo-i,” bahagi ng pahayag ni Bishop Dela Peña.

Matatandaang kinubkob ng ISIS inspired-Maute terrorist group ang Marawi City noong May 17, 2017 kung saan humigit kumulang sa kalahating milyong indibidwal ang napilitang lumikas para sa kaligtasan.

Sa assessment na ginawa noong 2017 nasa 11.5-bilyong piso ang mga nasirang ari-arian habang pitong bilyon naman ang nawala sa 24 na lugar na ‘most affected areas’.

Ayon kay Bishop Dela Peña noong Mayo 2017 ipinagdiwang ang kapistahan ng patron ng prelatura sa Balabagan kung saan nakahanap na ligtas na lugar ang obispo at ilang residente.

Sa ikalimang taong pagdiriwang ng pista ng Maria Auxilliadora gaganapin ito sa Santo Tomas de Villanueva Parish sa Maria Cristina, Balo-i.

Pinasalamatan ng obispo ang CFC-ANGKOP Village na tumulong sa prelatura sa paggawa ng pabahay para sa mga IDP’s upang mabigyan ng maayos na tirahan.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin 100-porsiyentong tapos ang rehabilitation project ng pamahalaan sa Marawi City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 31,011 total reads

 31,011 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 67,792 total reads

 67,792 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 86,003 total reads

 86,003 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 170,331 total reads

 170,331 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 206,289 total reads

 206,289 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,164 total reads

 4,164 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top