Pabahay sa mga nasalanta ng bagyong Odette, sisimulan na ng Diocese of Surigao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 751 total views

Pasisimulan na ng Diocese of Surigao ang rehabilitation program at housing project para sa “poorest of the poor families” na nawalan ng tahanan dulot ng pananalasa ng bagyong Odette noong nakaraang taon.

Ayon kay Bishop Antonieto Cabajog, balak ng Diyosesis na magpatayo ng 150 hanggang 170 matitibay na bahay na hindi basta-basta mawawasak ng anumang kalamidad.

Ibinahagi ni Bishop Cabajog sa Radio Veritas na mayroon nang naipatayong isang model house na pagbabatayan para sa halaga ng magagastos at disensyo ng iba pang itatayong bahay.

“Maliit lang ‘yung model house pero kumportable. Weather-proof ang pagkakagawa. Kumpleto na rin, may one bedroom, living room, dining room, kitchen at comfort room,” pahayag ni Bishop Cabajog sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpapasalamat naman si Bishop Cabajog sa mga nagpaabot ng tulong at suporta upang muling makabangon ang Surigao City at iba pang karatig na bayan mula sa tinamong pinsala sa nagdaang bagyo.

Sinabi ng Obispo na ang mga nakalap na pondo mula sa mga tulong ay gagamitin bilang suporta sa housing project ng Diyosesis.

“Sa awa ng Diyos, marami namang tumulong sa atin kaya ‘yun talaga ang gagamitin natin para sa pagtulong sa mga poorest of the poor,” saad ng Obispo.

Nagagalak rin si Bishop Cabajog sapagkat sa kabila ng sinapit mula sa nagdaang bagyo ay hindi nawalan ng pag-asa at pananampalataya ang mamamayan.

Dalangin naman ng Obispo ang patuloy na kaligtasan ng lahat laban sa anumang kalamidad at malagpasan ang mga hinaharap na pagsubok sa buhay.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umabot sa mahigit 7,000 pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette sa Surigao City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 28,686 total views

 28,686 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 202,620 total views

 202,620 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 180,253 total views

 180,253 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 243,329 total views

 243,329 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 261,007 total views

 261,007 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top