Synodal consultations ng simbahan, nagdulot ng pagbubuklod ng pamayanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 791 total views

Nagdulot ng pagbubuklod ng pamayanan ang ginanap na synodal consultations.

Ito ang ibinahagi Archdiocese of Zamboanga Administrator Bishop Moises Cuevas sa Radio Veritas hinggil sa isinagawang Synod on Synodality ng arkidiyosesis.

Ayon sa Obispo, mas lumawak ang pagkakapatiran sa pagitan ng mga kristiyano at muslim at higit nailapit ang simbahan sa bawat komunidad.

“One of the outcomes sa synodal process ay ang pagkakaisa ng mga mamamayan, they appreciated the process which is prayerful; they were very happy to be listened, to be invited and part of the consultation,” pahayag ni Bishop Cuevas sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ni Cuevas na napagaan at napabilis ang proseso ng synodal consultations ng Zamboanga sapagkat bumuo ito ng 480 note takers at facilitators na nangasiwa sa konsultasyon sa bawat parokya.

Lumikha din ng Synodal Process Archdiocesan Manual (SPAM) ang arkidiyosesis na naging batayan ng mga facilitators habang bumuo rin ng Synodal Process Parish Team (SPPT) na bumibisita sa mga Basic Ecclessial Communities ng bawat parokya.

Inihayag ni Bishop Cuevas na umabot ng 5,017 ang mga lumahok sa konsultasyon kabilang na ang mga muslim, uring manggagawa, LGBTQ community, at iba’t ibang sektor ng sakop ng arkidiyosesis.

“After the consultations we will continue to meet and keep contact of these sectors para sa iba pang mga pagtitipon na ating gagawin,” ani Bishop Cuevas.

Iniulat pa ng obispo na nagamit din na pagkakataon sa voter’s formation ang synodal consultations gayundin ang paghahatid ng tulong sa mga nasasakupang komunidad.

Sa kasalukuyan nakalikha ng synthesis ang arkidiyosesis mula sa mga synodal consultations na gagamitin naman sa isasagawang pre-synodal diocesan meeting sa May 28.

Ang Synod on Synodality na inilunsad ni Pope Francis noong October 2021 na hinati sa diocesan phase, episcopal conference phase, continental phase at universal phase sa gagawing Synod of Bishops sa October 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 29,543 total views

 29,543 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 59,766 total views

 59,766 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 86,417 total views

 86,417 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 181,390 total views

 181,390 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 200,640 total views

 200,640 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top