Kasunduan para sa karagdagang pondo sa Universal Health Care, nilagdaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total views

Nilagdaan na ang Joint Circular hinggil sa mga panuntunan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagbibigay ng pondo para sa Universal Health Care.

Ito’y sa pangunguna ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), katuwang ang Department of Health (DOH) at Department of Finance (DOF).

Sa isinagawang pagtitipon, ang joint circular ay nilagdaan nina PhilHealth President at Chief Executive Officer Atty. Dante Gierran; Officer-in-Charge – Deputy Treasurer and PhilHealth Board Member Eduardo Anthony Mariño III bilang kinatawan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III; Undersecretary Mario Villaverde bilang kinatawan ni Health Secretary Francisco Duque III; PAGCOR Chairperson at CEO Andrea Domingo; at PCSO Chairperson Anselmo Simeon Pinili.

Layunin ng kasunduan na gawing epektibo ang pagbibigay ng alokasyon para UHC alinsunod sa Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Act.

“The joint circular prescribes the guidelines that will ‘operationalize the efficient and sustainable funding from PCSO, PAGCOR and National Government to PhilHealth’s individual based services under the Universal Health Care Program’,” ayon sa PhilHealth.

Nakasaad sa UHC Law na ang 50 porsyento ng bahagi ng National Government mula sa kita ng PAGCOR batay sa Presidential Decree No. 1869, maging ang 40 porsyento ng Charity Fund, net ng Documentary Stamp Tax Payments, at ang mandatory contribution ng PCSO ayon sa RA No. 1169 ay ililipat sa PhilHealth para sa pagpapabuti ng mga benepisyo nito na tutugon sa karamihan ng mga miyembro dito sa Pilipinas, maging sa ibang bansa.

Samantala, pinuri naman ni PCSO Chairperson Anselmo Simeon Pinili ang pag-apruba sa UHC Remittance Guidelines na magpapabuti sa benepisyo ng National Health Insurance Program (NHIP).

Sinabi ni Pinili na sa patuloy na pagbibigay-pondo para sa Malasakit Centers at UHC, umaasa ang PCSO Board na ang state-run lotteries ay gawing mas malapit at may kaugnayan sa buhay ng bawat mamamayan.

Ito’y bilang pagsuporta na rin sa layunin at inisyatibo ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging makatotohanan ang “kalusugan para sa bawat Pilipino”.

“We trust and hope that PhilHealth will diligently and work closely with PCSO in aligning the use our Charity Fund to exclusively benefit our sick and financially challenged “kababayans” who are in need of hospital and medical care”, ayon kay Pinili.

Nilalayon ng UHC Law na pasiglahin ang pangangalagang pangkalusugan ng bansa sa pamamagitan ng isang buong sistema ng pamahalaan, lipunan, at mga programang nakatuon sa mamamayan.

Suportado naman ng simbahan ang bawat layunin at adhikain ng pamahalaan lalo na sa pagpapabuti sa sektor ng kalusugan ng bansa para sa kapakanan ng nakararami lalo’t higit ang mga nasa mahihirap na sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 38,762 total views

 38,762 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 68,985 total views

 68,985 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 95,636 total views

 95,636 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 190,609 total views

 190,609 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 209,228 total views

 209,228 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top