Prayer March bilang pagtutol sa open-pit mining, pangungunahan ng Diocese ng Marbel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 978 total reads

Magsasagawa ng Prayer March ang Diyosesis ng Marbel bilang panawagang ipagwalang-bahala ang desisyon ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato sa pag-amyenda sa environmental code ng lalawigan.

Ayon kay Marbel Social Action Director Fr. Jerome Milan, layunin ng ‘prayer march’ na maipaabot kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr. ang hinaing at panawagan ng mga residente at iba’t ibang sektor ng pamayanan kasama na ang Simbahan laban sa pagbibigay ng pahintulot na makapagsagawa ng pagmimina sa lalawigan lalo na sa bayan ng Tampakan.

“Kasama po ang lahat sa pagpapahayag ng gustong ipaabot kay Governor Tamayo na hikayatin siya at mag-appeal sa kanya na i-veto ‘yung amended na version ng in-approve ng Sangguniang Panlalawigan doon sa environmental code ng South Cotabato.”

Isasagawa ang prayer rally bukas (June 1) sa Christ the King Cathedral Compound ganap na alas-nuebe ng umaga at mula sa katedral ay maglalakad patungo sa kapitolyo ng South Cotabato.

Dagdag ni Fr. Milan, kasama sa kanilang panawagan ang kaligtasan maging ng mga karatig na lalawigan ng South Cotabato na posible ring maapektuhan sakaling tuluyang pahintulutan ang pagmimina.

“Sana samahan n’yo po kami, magkaisa po tayo. Ipakita natin sa ating gobernador na ayaw po natin at tutol tayo doon sa pagbago sa environmental code at pagbawi sa ban on open-pit mining sa lalawigan ng South Cotabato,” saad ni Fr. Milan.

Nauna nang umapela ng pananalangin at pag-aayuno si Marbel Bishop Cerilo Casicas para sa kalinawan ng pag-iisip ang mga lokal na pinuno ng South Cotabato sa panganib ng open-pit mining sa lalawigan.

Ang desisyo ng Sangguniang Panlalawigan ang muling magpapahintulot sa malawakang operasyon ng pagmimina sa lalawigan, kabilang na ang $5.9 bilyong Tampakan copper-gold mining project ng Sagittarius Mines, Inc.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 10,296 total reads

 10,296 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 92,258 total reads

 92,258 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 125,707 total reads

 125,707 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 161,006 total reads

 161,006 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 387,226 total reads

 387,226 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,647 total reads

 155,647 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top