Kasunduan para sa karagdagang pondo sa Universal Health Care, nilagdaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total reads

Nilagdaan na ang Joint Circular hinggil sa mga panuntunan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagbibigay ng pondo para sa Universal Health Care.

Ito’y sa pangunguna ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), katuwang ang Department of Health (DOH) at Department of Finance (DOF).

Sa isinagawang pagtitipon, ang joint circular ay nilagdaan nina PhilHealth President at Chief Executive Officer Atty. Dante Gierran; Officer-in-Charge – Deputy Treasurer and PhilHealth Board Member Eduardo Anthony Mariño III bilang kinatawan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III; Undersecretary Mario Villaverde bilang kinatawan ni Health Secretary Francisco Duque III; PAGCOR Chairperson at CEO Andrea Domingo; at PCSO Chairperson Anselmo Simeon Pinili.

Layunin ng kasunduan na gawing epektibo ang pagbibigay ng alokasyon para UHC alinsunod sa Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Act.

“The joint circular prescribes the guidelines that will ‘operationalize the efficient and sustainable funding from PCSO, PAGCOR and National Government to PhilHealth’s individual based services under the Universal Health Care Program’,” ayon sa PhilHealth.

Nakasaad sa UHC Law na ang 50 porsyento ng bahagi ng National Government mula sa kita ng PAGCOR batay sa Presidential Decree No. 1869, maging ang 40 porsyento ng Charity Fund, net ng Documentary Stamp Tax Payments, at ang mandatory contribution ng PCSO ayon sa RA No. 1169 ay ililipat sa PhilHealth para sa pagpapabuti ng mga benepisyo nito na tutugon sa karamihan ng mga miyembro dito sa Pilipinas, maging sa ibang bansa.

Samantala, pinuri naman ni PCSO Chairperson Anselmo Simeon Pinili ang pag-apruba sa UHC Remittance Guidelines na magpapabuti sa benepisyo ng National Health Insurance Program (NHIP).

Sinabi ni Pinili na sa patuloy na pagbibigay-pondo para sa Malasakit Centers at UHC, umaasa ang PCSO Board na ang state-run lotteries ay gawing mas malapit at may kaugnayan sa buhay ng bawat mamamayan.

Ito’y bilang pagsuporta na rin sa layunin at inisyatibo ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging makatotohanan ang “kalusugan para sa bawat Pilipino”.

“We trust and hope that PhilHealth will diligently and work closely with PCSO in aligning the use our Charity Fund to exclusively benefit our sick and financially challenged “kababayans” who are in need of hospital and medical care”, ayon kay Pinili.

Nilalayon ng UHC Law na pasiglahin ang pangangalagang pangkalusugan ng bansa sa pamamagitan ng isang buong sistema ng pamahalaan, lipunan, at mga programang nakatuon sa mamamayan.

Suportado naman ng simbahan ang bawat layunin at adhikain ng pamahalaan lalo na sa pagpapabuti sa sektor ng kalusugan ng bansa para sa kapakanan ng nakararami lalo’t higit ang mga nasa mahihirap na sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 10,412 total reads

 10,412 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 92,366 total reads

 92,366 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 125,815 total reads

 125,815 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 161,114 total reads

 161,114 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 387,330 total reads

 387,330 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,650 total reads

 155,650 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top