Prayer March bilang pagtutol sa open-pit mining, pangungunahan ng Diocese ng Marbel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 879 total views

Magsasagawa ng Prayer March ang Diyosesis ng Marbel bilang panawagang ipagwalang-bahala ang desisyon ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato sa pag-amyenda sa environmental code ng lalawigan.

Ayon kay Marbel Social Action Director Fr. Jerome Milan, layunin ng ‘prayer march’ na maipaabot kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr. ang hinaing at panawagan ng mga residente at iba’t ibang sektor ng pamayanan kasama na ang Simbahan laban sa pagbibigay ng pahintulot na makapagsagawa ng pagmimina sa lalawigan lalo na sa bayan ng Tampakan.

“Kasama po ang lahat sa pagpapahayag ng gustong ipaabot kay Governor Tamayo na hikayatin siya at mag-appeal sa kanya na i-veto ‘yung amended na version ng in-approve ng Sangguniang Panlalawigan doon sa environmental code ng South Cotabato.”

Isasagawa ang prayer rally bukas (June 1) sa Christ the King Cathedral Compound ganap na alas-nuebe ng umaga at mula sa katedral ay maglalakad patungo sa kapitolyo ng South Cotabato.

Dagdag ni Fr. Milan, kasama sa kanilang panawagan ang kaligtasan maging ng mga karatig na lalawigan ng South Cotabato na posible ring maapektuhan sakaling tuluyang pahintulutan ang pagmimina.

“Sana samahan n’yo po kami, magkaisa po tayo. Ipakita natin sa ating gobernador na ayaw po natin at tutol tayo doon sa pagbago sa environmental code at pagbawi sa ban on open-pit mining sa lalawigan ng South Cotabato,” saad ni Fr. Milan.

Nauna nang umapela ng pananalangin at pag-aayuno si Marbel Bishop Cerilo Casicas para sa kalinawan ng pag-iisip ang mga lokal na pinuno ng South Cotabato sa panganib ng open-pit mining sa lalawigan.

Ang desisyo ng Sangguniang Panlalawigan ang muling magpapahintulot sa malawakang operasyon ng pagmimina sa lalawigan, kabilang na ang $5.9 bilyong Tampakan copper-gold mining project ng Sagittarius Mines, Inc.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 41,277 total views

 41,277 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 71,500 total views

 71,500 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 98,151 total views

 98,151 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 193,124 total views

 193,124 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 211,559 total views

 211,559 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top